^

PSN Showbiz

Piolo itutuloy na ang pagre-retire sa 2016

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May mutual understanding na raw ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual at Sofia Andres. Magkatambal ang dalawa sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig na mapapanood na sa November 12. “We’re closer than friends. We have this special relationship. We have this bonding na we both know na there’s something. But you know we’re still young. We should not focus on that kind of stuff yet,” pagtatapat ni Iñigo. “We’re M.U., mutual understanding. We’re not taking it seriously. We’re not focusing on that. We’re not making it a priority but we both know where we stand,” dagdag ng binata.

Samantala, isang bagong pelikula ngayon ang pinaghahandaan ni Iñigo kung saan ay si Julia Barretto naman ang makakatambal niya, ang Hopeless Romantic. Ayon kay Iñigo ay wala raw talaga sa plano niya ang bagong pelikula at biglaan lamang daw ang alok na ito sa kanya. “The offer of Viva came from nowhere. But I’ll still continue with my studies. I’m doing home school and I have time to do something. Nag-o-online school po ako. Education is still important to me. I’m gonna finish it,” paliwanag ni Iñigo.

Naibahagi rin ng binata na may balak nang mag-retire sa show business ang kanyang ama sa 2016 pero posibleng magbago pa ang planong ito. “I just wanna be able to spend time with him since I grew up in the States. I wanna be able to spend a good time with him. Our plan was after high school, we would spend time together since he’s thinking of retiring. But we still don’t know if that’s gonna happen. We were planning on travelling and spending time together,” pagbabahagi ni Iñigo.

Dimples mas nahihirapan ‘pag walang ginagawa

Sampung taon na ngayon ang anak ni Dimples Romana at Boyet Ahmee na si Cal. Ngayon ay nanganganay daw ang aktres sa muling pagbubuntis. “It’s so weird, kasi it’s been ten years,” natatawang bungad ni Dimples.

Inilihim daw muna ng aktres sa publiko nang malamang siya ay buntis na. “Hindi ko sinabi kaagad, nagdasal ako nang nagdasal na sana kumapit. Kaya noong nagka-heart beat, saka ko lang pinost. Para at least alam ko na may heart beat na, buong-buo na,” paliwanag ni Dimples.

Kahit apat na buwan na ang ipinagbubuntis ng aktres ay hindi naman daw siya nahihirapan sa kanyang mga trabaho pero kapag nagpapahinga ay doon siya nahihirapan. “Ngayon masagi nga lang ako sa mall, super kawawa ‘yung makakasagi sa akin. Eh ang laki kong babae,” pabirong pahayag ng aktres. “Parang ang hirap-hirap magbuntis ngayon eh. Tuwing magpapahinga ako saka ako nahihirapan, totoo. Kasi hindi ako sanay. So now, even at home I walk around and do a lot of things. It’s so fun kasi I still get to do my shows even while I’m pregnant,” pagbabahagi pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BOYET AHMEE

BUT I

DIMPLES ROMANA

HOPELESS ROMANTIC

JULIA BARRETTO

JUST PAG

NGAYON

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with