P-Noy ayaw daw magninong, takot na ‘di makapag-asawa matapos mabasted kay Sitti, Kris magni-ninang kina Dong/Yan

MANILA, Philippines - Pinuntahan kahapon ng ikakasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera si Kris Aquino para pormal na imbitahan na maging ninang sa kanilang kasal sa December 30.

Agad namang pumayag ang presidential sister nang kausapin ng dalawa sa shooting break nito ng Feng Shui na ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account.

Iniisa-isa nina Marian at Dingdong ang mga kinukuha nilang ninong at ninang para sa kanilang ka­sal pero hindi pa nila sinasabi kung saan talaga ang reception ng kanilang pag-iisang dibdib.

Dahil ninang na si Kris, malamang na hindi na raw kuning ninong ng ikakasal si Presidente Noynoy Aquino.

Ang say kasi ng isang source, ayaw daw magninong ng presidente dahil wala pa siyang asawa.

Naniniwala raw ito na baka pag pumayag siyang mag-ninong ay hindi na siya makapag-asawa.

So sino kayang masuwerteng mapapa­ngasawa ng presidente? Eh ang niligawan niya dating singer, si Sitti ay ikakasal na. Yup niligawan pala ni P-Noy ang Bossa singer pero sadly basted daw ang presidente dahil that time, may BF na ang singer.

Mga pinagdaanan na unos binalikan ng Showtime

Nagbigay-pugay ang It’s Showtime sa madlang people para sa walang sawa nitong pagsuporta sa programa sa nakalipas na limang taon sa pagtatapos ng Magpasikat Week noong nakaraang Sabado.

Sa isang VTR, ipinakita ang mga pinagdaanan ng prog­rama mula sa paglulunsad nito noong 2009 bilang isang talent competition sa umaga kung saan bida ang gustong sumikat at magpasikat, hanggang sa maging noontime show ito ng Kapamilya network noong 2012.

Ipinakita rin sa VTR ang mga naging tagumpay ng programa, kabilang na ang matataas na ratings at patok na segments nito, at maging ang mga naging dagok nito na sabay-sabay na hinarap ng hosts at staff bilang isang buong pamilya. Sa huli, emosyonal na nagpasalamat ang hosts ng programa sa ‘showtimers’ nito.

“Sa inyong lahat na naging bahagi ng aming pamilya, marami pong salamat sa limang taong pagsuporta sa amin, at sana’y maraming taon pa ang ating pagsasamahan, so we can continue to make you, our madlang people, happy,” sabi ni Anne Curtis.

Samantala, wagi bilang mga kampeon ng Magpasikat Week ngayong taon ang grupo nina Billy Crawford, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz kung saan tila gumawa sila ng kanilang sariling variety show.

Whatchamacall8 ang titulo ng kanilang makulay at high-energy skit na parang nagsilbing isang buong segment sa  It’s Showtime dahil kumuha pa sila ng isang contestant mula sa madlang people, pati na rin sina Nadine Lustre at James Reid. Nagwagi sila ng P300,000 na ibibigay nila sa kanilang napiling charity.

Panalo naman sa second place ang team nina Vhong Navarro at Jhong Hilario, na nagwagi ng P200,000.

Third place naman ang mag-partner na sina Anne Curtis at Coleen Garcia at nagwagi ng P100,000 dahil sa kanilang nakakatensyong aerial acrobatic stunt at pagtugtog ng iba’t ibang instrumento gaya ng gitara, piano, xylophone, at drums.

Samantala, parehong nakakuha ng P50,000 ang teams nina Vice Ganda at Ryan Bang, at Karylle at Kuya Kim Atienza para sa kanilang charities.

Masskara Festival ng Bacolod, memorable para sa Kapuso stars

Isang makulay na Masskara Festival ang nasaksihan ng Kapuso stars na dumayo sa Bacolod City kamakailan.

Noong October 17, humigit-kumulang 5,000 katao ang pumuno sa Main Atrium ng SM City Bacolod para mapanood ang ilan sa kanilang mga paboritong artista mula sa Strawberry Lane.

Ang singer-actress na si Sheryl Cruz, kinanta ang Mananatili, na carrier single ng kanyang latest album. Maaga namang namasko si Bea Binene sa kanyang Christmas song number. Kasunod niyang nag-perform ang ka-love team na si Jake Vargas na hinarana ang isang masuwerteng fan na panay ang halik sa pisngi ng young actor. Lalo pa ngang kinilig ang audience nang tawagin at kantahan naman ni Jake ang girlfriend na si Bea. 

Kasama rin nila sa mall show sina Sunshine Dizon na nagpa-games at Kim Rodriguez na nagbigay rin ng song number. 

Kinabukasan, October 18, nasa 7,000 katao ang dumagsa sa People’s House (dating New Government Center) para panoorin ang Bet ng Bayan Western Visayas Regional Showdown.

Walang iba kundi ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang sumalubong sa mga manonood sa isang bonggang opening act na may kasama pang Masskara dancers.

Excited si Regine sa kanyang bagong show at sa pagkakaroon ng fresh talents. Aniya, “It’s been really wonderful. Ang dami na nilang (contestants) pi­nag­daanan kasi maraming stages ‘to eh, may provincial finals, ngayon nasa regionals na tayo and then after regional’s magkakaroon na ng semi-finals and then [grand] finals.”

Kasama niya ang co-host na si Alden Richards, na hindi pa rin makapaniwala sa kanyang kauna-unahang hosting stint. “I really told GMA Artist Center po if they could give me a hosting job, if possible. Hindi ko naman po in-expect na ganito kalaki, ang laki naman agad, agad-agad. Ang sarap pong mag-host kasi it’s another angle for me.”

Kasalukuyan ding napapanood si Alden bilang si Jose Rizal sa bayaniserye na Ilustrado. 

Mapapanood naman ang Bet ng Bayan tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Samahan din si Alden mula Lunes hanggang Biyer­nes, 10:00 p.m.-10:20 p.m. para sa iba pang Bet ng Bayan updates.                    

Show comments