MANILA, Philippines - Sasapit na ang Undas at kasagsagan na ng sem break sa mga eskwelahan kaya uso na naman ang mga outing at swimming sa beach. Kasabay ng paghahanda niyo mag-bonding ng pamilya o ng barkada, handa rin ba kayo sa peligrong maaring mangyari?
Ipapakita ni Atom Araullo ang dapat mong malaman at gawin sakaling isa sa inyo ay malunod ngayong Biyernes (Oct 31) sa Red Alert.
Ayon sa Department of Health, walong Pinoy ang namamatay kada-araw dahil sa pagkalunod.
Ang nakakaalarma pa dito ay 35 porsyento ng mga biktima ay mga batang 14 taong gulang pababa.
Isa ang anak ni Tatay Boyet sa tinutukoy sa talaang ito matapos malunod ang kanyang siyam na taong gulang na anak. Ang anak na matagal nawalay sa kanya ay mawawala lang pala sa isang iglap.
Tamang kaalaman ang magliligtas sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay kaya naman anumang oras, dapat laging Red Alert.