Alam mo, Salve A., hindi ko talaga pinalagpas ang pagkakataon na makadaupang-palad ang American veteran songwriter, musician, producer, hit maker, at multi-Grammy award-winner na si Christopher Cross sa paanyaya ng mga kaibigan na sina Marife Garchitorena at Justine Palma para sa “meet-and-greet” na ginanap sa Misono Japanese restaurant in Makati City.
Kahit ang mga bagong henerasyon ngayon ay siguradong pamilyar sa mga awiting pinasikat ng American singer tulad ng 1979 hits na Sailing, Never Be The Same, Think of Laura, Say You’ll Be Mine, Ride Like The Wind, and the Arthur’s Theme (Best That You Can Do) at marami pang iba.
Just early this month ay aksidente naman naming nakaharap at nakausap ang isa pang veteran hit maker na si David Pomeranz na nag-lunch sa Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City with his Filipino couple friends.
Christopher Cross is in town para sa kanyang special concert sa PICC kahapon, October 29 at sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila ngayon, October 30.
Elmo payag ipareha sa iba ang GF na si Janine
Matapos magsama sa TV remake ng seryeng Villa Quintana kung saan nagsimula at nabuo ang kanilang relasyon, balik-tambalan ang magkasintahan na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa bagong serye ng GMA, ang More Than Words.
Natutuwa pareho sina Elmo at Janine dahil tinanggap ng mga manonood ang una nilang tambalan kaya muli silang binigyan ng Kapuso Network ng kanilang follow-up project.
Aware din pareho ang dalawa na ipapareha sila sa ibang katambal at open naman sila sa ganitong direksiyon ng kanilang home studio para hindi rin sila pagsawaan at para na rin sa kanilang sariling growth bilang actors.
Ngayong muling gugunitain ang ating mga yumaong mahal sa buhay, hindi maiwasan ni Elmo ang malungkot sa tuwing naaalaala niya ang maagang pagpanaw ng kanyang ama, ang Master Rapper o King of Rap na si Francis Magalona. Pero naniniwala si Elmo na hanggang ngayon ay nakasubaybay pa rin sa kanilang pamilya ang kanyang yumaong ama.
“My dad will forever be in our hearts,” ani Elmo na hindi na rin inabutan ang kanyang popular grandparents (sa father side) na sina Pancho Magalona at Tita Duran.
Niño wish na makatrabaho uli ang tatlong ‘tatay’
Alam mo ba, Salve A. na 32 taon ang binilang bago muling nagkasama sa pelikula sina Vic Sotto at Niño Muhlach?
Taong 1982 nang makatrabaho ng child wonder noon na si Niño sina Tito (Sotto), Vic, and Joey (de Leon) sa pelikulang Tatlo ang Tatay Ko na produced mismo ng D’Wonder Films ng pag-aari ng pamilya ni Niño.
Muling naulit ang pagsasama nina Vic at Niño sa pelikulang My Big Bossing minus Sen. Tito at Joey but this time ay kasama na nila ang bunso ni Niño at tinatayang next child wonder na si Alonzo Muhlach.