Empress umaming nagparetoke!
When everybody thought na nag-give up na si Empress Schuck sa kanyang quest for success at minarapat nang lumipat ng network para hanapin ang napaka-elusive niyang stardom, heto at biglang litaw siya para sabihin na hindi pa siya sumusuko at patuloy sa kanyang pagtahak sa stardom, sa ilalim ng kanyang pinagsimulang kumpanya.
Nakapagbida na siya sa ilang projects at nabigyan na rin ng kanyang kinakailangang launching, pero tanggapin natin na wala pa siya sa posisyon na nararapat sa kanyaang ganda at talento. Parang andun na siya, pero wala pa. At kung may kinakailangan pa para marating niya ang hinahanap niya pagkilala at tagumpay, gagawin niya.
Ang pagpayag na maging cover ng isang napakasikat na men’s magazine ay isang mahirap na desisyon. Kailangang dumaan muna siya sa mga retoke na inaakala niyang requirement sa kanyang pagbabago ng imahe. Kinailangan niyang magpaliit ng kanyang mga hita sa pamamagitan ng laser light na inabot ng dalawang oras sa operating room.
“Hindi naman ako nasaktan. Tulog naman ako hanggang matapos ang procedure na isinagawa sa akin. May dugong German ako kaya medyo malaki ang bulto ko.
“Hindi rin madali ang magdesisyon na magpalit ng image dahil child star ako. Hindi ako maiintindihan ng maraming bata, pero kailangan kong magpasya. Kailangang umuusad ang career ko. Ang pagbabago ng image ang nanaisip ko,” paliwanag pa rin ng aktres na maski ang love life ay hindi nabibigyan ng pansin in her quest for success.
“Career talaga ang priority ko and I have to stay focused. Kapag andun na ako, then I can look for the guy na talagang nakalaan para sa akin,” anang aktres na pumayag maging salbaheng kontrabida sa Beauty in a Bottle na isa pa rin sa mga roles na kailangan niyang gawin to show that she can be versatile, too.
JM makakatambal naman si Angelica sa pelikula
Talagang nakabalik na ng showbiz si JM de Guzman. Maganda ang role at rehistro niya sa Hawak Kamay at hindi mo aakalain na may isang taon din siyang nakipagbuno sa isang rehab. Alam mo na talagang pinangatawanan niya ang pagbabago dahil mabilis siyang nakabawi. Baka nga kung nagtagal siya sa loob ay makalimutan siya ng kanyang mga tagasubaybay. Sa bilis ng kanyang recovery, mas na-miss lang nila siya.
Dahil magaling namang aktor, alaga siya ng ABS-CBN sa mga projects. May pelikula rin siya na kalahok sa 2014 Cinema One Originals Film Festival. Huwag mong hahamakin dahil kahit maituturing itong isang indie film, idinirek ito ng mabilis na sumisikat na direktor. Ang direktor ng Beauty in a Bottle na si Antoinette Jadaone na nagtatampok kina Angelica Panganiban, Angeline Quinto, Assunta de Rossi, at Empress Schuck. Pati ng launching film ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual kasama sina Julian Estrada at Sofia Andres, ang Relaks It’s Just Pag-ibig. Ang entry niya sa Cinema One Originals Film Festival na starring sina JM de Guzman at Angelica Panganiban ay That Thing Called Tadhana tungkol sa dalawang tao na parehong sawi sa pag-ibig.
The Half Sisters mas dumarami ang pasabog
Ano nga kaya ang magiging kahalagahan ng role ni Gloria Romero sa The Half Sisters bukod sa pagiging isang hospital owner na nangangalaga sa isang boat explosion survivor na ginagampanan naman ni Jean Garcia? At bakit hindi mapalayas ng maglolang Lupita (Carmen Soriano) at Diana (Barbie Forteza) sa kanilang bahay si Ashley (Thea Tolentino) ganung wala naman itong ni kaunting katapatan na makitira sa bahay ng hindi naman pala niya ama? Goodbye na ba si Benjie (Jomari Yllana) sa istorya? Lahat ng ito ay masasagot sa The Half Sisters na napapanood Monday to Friday pagkatapos ng Eat Bulaga, sa GMA.
- Latest