Hindi lang pala sa Ismol Family nag-guest si Marian Rivera dahil magi-guest din siya sa Pepito Manaloto at sa iba pang shows ng GMA-7. Iikutin nito ang comedy shows ng network, kaya malamang mag-guest din ang aktres sa Vampire ang Daddy Ko at sa Bubble Gang.
May tsikang nagpatintero sina Marian at Carla Abellana sa taping ng Ismol Family, hindi naman siguro sila nag-iwasan, kundi ang staff ang nag-effort na hindi sila magkita. Mas maganda sana kung pinagtagpo ang dalawa para kung may isyu man sa kanila ay natapos na.
Pero sabi ng nakausap namin sa kampo ni Marian, okey ang taping nito sa comedy show, nag-enjoy ito at lalong na-miss gumawa ng comedy. Magaling sa comedy ang aktres, matutuwa ito kung after ng dance show niyang Marian, bigyan uli siya ng GMA-7 ng comedy show.
Fastfood ni Kris bubuksan na
This Wednesday na ang agreement signing ni Kris Aquino bilang bagong Chowking franchisee at bukod dito magsasalita siya kung paano maging successful sa kanyang career.
Nasa ground floor ng Ali Mall sa Araneta Center ang branch ng Chowking ni Kris at naghihintay na ang fans niya na maging operational na ito.
Kagagaling ng Japan ni Kris para sa shoot ng Kris TV na tatawaging Japan Diary at ang airing ay start sa November 14. Sinamahan si Kris sa Japan ng mga kapatid niyang sina Ballsy, Pinky, at Viel at sumunod ang mga anak na sina Josh at Bimby. Kagabi, nasa Aquino and Abunda Tonight na si Kris.
Magre-resume na rin si Kris ng shooting ng Feng Shui at ang magandang balita, puwede na uling mag-shooting si Cherry Pie Picache. Kaya hahabol sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula ni Direk Chito Roño.
Pagiging Kapamilya, dream come true ni Maxene
Nagti-taping na si Maxene Magalona ng teleserye niya sa ABS-CBN, pero hindi binabanggit ang title. Hindi rin nito sinasagot ang tanong ng followers niya sa Instagram (IG) kung totoong kasama siya sa cast ng Dream Dad na pagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Raikko Mateo.
Sa nabasa namin, kasama nga siya sa cast ng Dream Dad na kinabibilangan din nina Gloria Diaz, Yam Concepcion, Ana Feleo, Katya Santos, at Tirso Cruz III.
Dream come true kay Maxene ang mapabilang sa Kapamilya talents. Sabi nito, pangarap lang niya ito dati na nagkatotoo, kaya masayang-masaya siya.