Nora nominadong best actress para sa indie film na Hustisya

SEEN: Ang presscon ni Anne Curtis para sa Blood Ransom noong Lunes sa Los Angeles, California. Kasama ni Anne sa presscon ang mga Fil-Am actor na si Alexander Dreymon na hindi nakadalo sa red carpet premiere ng Blood Ransom sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila noong Sabado.

SCENE: Dumalaw kahapon sa Child Haus ang child actors ng Child Haus para sa kanilang immersion. Tungkol sa mga bata na may sakit na kanser ang kuwento ng Child Haus at mula ito sa direksyon ni Louie Ignacio.

SEEN: Hindi binanggit ni Annabelle Rama ang pangalan ng anak na si Ruffa Gutierrez sa kanyang imbitasyon na tangkilikin ang November issue ng isang magazine dahil sila ni Sarah Lahbati at isang ayaw niya na i-mention ang pangalan ng cover girls.

SCENE: Ang announcement ni German Moreno na bibigyan niya ng sariling star sa Walk of Fame sa December 1 ang kanyang apo na si Gabriel Moreno, ang gold medalist sa Archery ng Youth Olympic Games sa Nanjing, China noong Agosto 2014.

SEEN: Lumabas sa The Amazing Race Philippines Season 2 ng TV5 ang katarayan at pagiging palengkera ni RR Enriquez.

SCENE: Nominated si Nora Aunor sa Best Actress Category ng Asia Pacific Screen Awards dahil sa pagganap niya sa Hustisya. Idaraos sa Brisbane, Australia sa December 11 ang awards night ng Asia Pacific Screen Awards.

SEEN: Pinarangalan ng Certificate of Creative Excellence for Excellence in Communication in International Competition ng U.S. International Film and Video Festival ang Picture! Picture!, ang game show ni Ryan Agoncillo sa GMA-7.

SCENE: Dapat mag-reduce si Jake Vargas dahil lumolobo ang kanyang mukha at nagiging punggok siya sa mga eksena niya sa Strawberry Lane.

Show comments