Bet ng Bayan dumayo sa Raniag Twilight Festival ng Vigan
MANILA, Philippines - Makikisaya ang Kapuso reality-talent show na Bet ng Bayan sa Raniag Twilight Festival ng Vigan ngayong Oktubre 28, habang patuloy ang paghahanap nito sa pinakamagagaling na Pinoy homegrown talents sa pamamagitan ng North Luzon regional finals.
Sa nasabing showdown, pagtatapat-tapatin ang anim na qualified bets (ang mga nakapasa sa auditions at provincial finals) mula Dagupan at Baguio simula 8:00 p.m. sa Plaza Salcedo. Makakasama nila ang Bet ng Bayan hosts na sina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards.
Bawat contestant naman ay umaasang mapabibilib ang board of judges na binubuo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ang Pop Diva na si Kuh Ledesma, at ang Ilokanong miyembro ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes.
‘Di rin naman magpapahuli sina Andrea Torres, Pancho Magno, at Cris Villongco mula sa afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra na darayo rin sa Vigan para sa Raniag Twilight Parade sa ganap na 7:00 p.m.
Samantala, kahapon, Oktubre 27, pinangunahan ng GMA Artist Center talent na si Louise delos Reyes ang pagpapailaw ng Christmas tree sa Vigan public market. Kasabay nito ang naging masaya at makulay na Raniag Twilight Street Dance Competition sa Quezon Avenue.
Mapapanood ang highlights ng Raniag Twilight Festival sa Let’s Fiesta na ipalalabas sa Nobyembre 16 sa siyam na regional stations ng GMA Network sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, GenSan, at Cagayan de Oro.
- Latest