Isa-isang binigyan ng roses ni Jolina Magdangal ang mga babaeng bossing ng GMA Network nang magpaalam siya. After 12 years of being a Kapuso talent, babalik na sa ABS-CBN si Jolina kung saan siya nagsimula.
Ang sabi, magti-taping na agad si Jolina ng morning series nila ni Marvin Agustin na Flordeliza. Sa presscon ng Viva Films movie na Moron 5.2 The Transformation, ayaw pang kumpirmahin nina Marvin at director Wenn Deramas ang pagbalik sa ABS-CBN ni Jolina, hindi pa raw sinasabi sa kanya.
Ngayong kumpirmado na ang pagbabalik ni Jolina sa ABS-CBN, ang fans nila ni Marvin ang tuwang-tuwa. Matagal daw nilang hinintay ito at dumating na nga.
Napapansin lang ng Kapuso fans, isa-isang nawawala ang talents ng GMA-7, inaabangan nila kung sino ang susunod kay Jolina na lilipat sa ABS-CBN. Nauna nang lumipat si Maxene Magalona at lilipat na rin yata si Polo Ravales. Hindi kaya maubusan ng talents ang GMA-7 nito?
Arnel Pineda may solo album na pero priority pa rin ang Journey
May international flavor ang Asian Music Camp, ang reality band search created and produced by Arnel Pineda dahil kabilang sa judges ay mga sikat na music personalities. Nabanggit ni Mr. Rene Walter, manager ni Arnel na posibleng mag-judge ang Journey, ang band na vocalist si Arnel.
Sa ipinakitang congratulatory greetings kay Arnel, kasama si Richie Sambora ng Bon Jovi Band at singer-guitarist na si Orianthi. Nalaman tuloy namin na in a relationship ang dalawa. Hahaha!
In-announce ni Mr. Walter na may gagawing feature film ng life story ni Arnel na ang budget ay $20-M. May ginagawa ring solo album at magre-record ng Christmas song si Arnel produced na collaboration ng internationally acclaimed pop cellist na si Jela Mihaivolic. Parehong produced ng AP and Sanre Entertainment ang album at Christmas song na ire-record ni Arnel.
Sa tanong kung on hold ang career niya with his band habang on going ang Asian Music Camp, sagot ni Arnel, priority niya ang Journey until 2016 at sa long rest nila, saka niya aasikasuhin ang Asian Music Camp. Sa January 1 to March 31, 2015 tatakbo ang contest and by September, malalaman na ang winner sa mga sasaling banda all over Asia.
Janine at Elmo pilit ginagawang pribado ang relasyon
Napansin namin na walang cheesy posts sa Instagram (IG) sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, obvious na ayaw nilang gawing masyadong public ang kanilang relasyon. Ang nakita lang naming pictures nila ni Janine sa IG ni Elmo ay kuha sa isang eksena sa Villa Quintana at storycon ng More Than Words.
Lalo naman si Janine, isang picture lang nila ni Elmo ang nasa IG niya. Hindi rin sila masyadong nakikita in public and the last time nakita sila in public ay sa Hong Kong Disneyland pa last August. Nasundan ito nang bigyan ni Elmo ng birthday treat si Janine kasama ang kanilang fans. Mas gusto ng dalawa na nakikipag-dinner lang sila sa mom ni Janine na si Lotlot de Leon sa condo unit nito.
Anak ni Piolo hindi natuloy ang plano
Aliw si Cherie Gil na may cameo sa Viva Films at Star Cinema movie na Para Sa Hopeless Romantic dahil nag-shooting siya na hindi pa alam ang title ng movie that time. At least, alam niyang sina Julia Barretto at Iñigo Pascual ang kanyang mga kaeksena sa taping.
Sa caption na “With my BFF” patungkol kay direk Andoy Ranay, siguradong isa sa mga rason kung bakit tinanggap ni Cherie ang movie dahil sa director. Bida rin sa movie sina James Reid at Nadine Lustre.
First team up ito nina Iñigo at Julia at second movie ng una, ibig sabihin, hindi nasunod ang usapan nila ng amang si Piolo Pascual na first and last movie niya ang Relaks, It’s Just Pag-ibig na showing sa November 12.