Anne gulat na gulat nang kumalat ang engagement nila ni Erwan

May bulung-bulungan na engaged na diumano ang magkasintahang sina Anne Curtis at Erwan  Heussaff. Laking gulat daw ng aktres nang mabalitaan ito kamakailan sa isang event. “That was pretty crazy because that day, I remember I was going to the finals of the UAAP, malabo ‘yung signal sa loob tapos all of a sudden, when I came out, sabi ko, ‘What’s happening?’ My sister Jasmine called me, ‘Ate, are you engaged?’ I was like, ‘Sorry, what are you talking about?’ She’s like, ‘I just heard it on the radio. Are you engaged? How come I don’t know?’ Sabi ko because it’s not true,” nakangiting kwento ni Anne.

Marami na rin daw natanggap na congratulatory messages ang aktres mula sa mga kaibigan nang pumutok ang balita. Maaaring sa isang blog post daw ni Erwan nagmula ang balitang engaged na ang dalawa. “Erwan screen captured it and sent it to me and said ‘Congratulations love.’ Because we had no idea what was happening,” natatawang pahayag ni Anne.

Agad namang humingi ng paumanhin kay Erwan ang mga taong nagsimulang magpakalat ng maling balita. “They got in touch with Erwan naman and explained that it was a mistake of an intern who misread an article. For me, it’s fine. It’s just funny, maybe because everyone is getting engaged. It’s this season. No, hindi pa ‘yan. Not yet,” giit ng dalaga.

Angelica aminadong choosy na sa mga tinatanggap na role

Naging mapili na raw si Angelica Panganiban ngayon sa mga proyektong kanyang gagawin. Gusto raw makapagbigay lagi ng bagong atake ang aktres para sa manonood upang hindi magsawa sa kanya. “Ever since naman, gusto ko talaga kapag may tinatanggap akong project, bago ‘yun. Ayaw kong sayangin ‘yung pera ng mga tao. Ayaw kong sayang ‘yung panahon nila na panonoorin nila ako sa TV or sa pelikula na ‘Ay! Nakita ko na ito, napanood ko na ito.’ Gusto ko kapag pinapanood nila ako, kapag nagbibigay sila ng oras sa akin, sulit ‘yun. ‘Yung sulit ‘yung pera ko, natuwa kami kay Angelica ngayon,” paliwanag ni Angelica.

Gusto raw ng dalaga na masabik sa kanya ang mga tagahanga sa tuwing may bago siyang gagawin. “Siguro kasi sobra akong mapili sa trabaho. Siyempre naman ‘yung network nandiyan naman talaga. Hindi ka naman pinapabayaan. Marami naman talagang mga ibinibigay sa ‘yong mga option or trabaho. Kaya lang siguro isa rin ‘yun sa sikreto ko, sa key para siguro mas manggigil sa ’yo ang mga tao,” nakangiting pahayag ni Angelica.

Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig ay marami na rin ang nagtatanong sa aktres kung may plano na ba silang magpakasal ng kasintahang si John Lloyd Cruz. Noon ay nabanggit ni Angelica sa isang pahayag na gusto na niyang magpakasal kapag siya ay 28 years old na. Sa November 4 ay mag-29 na ang aktres.“Pwede naman pong 29, pwedeng 30. Madali po magbago ang isip ko, so huwag ka ma-pressure Lloydie,” pagtatapos ng dalaga.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments