Nasa ibang bansa si Congressman Alfred Vargas kaya nawala ang tsansa niya na magkaroon ng special participation sa Feng Shui 2, ang suspense-thriller movie ni Chito Roño na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sure ako na pareho kami ni Alfred na naka-feel ng panghihinayang dahil pagkakataon na sana niya na makatrabaho sa isang project si Chito.
Malabo talaga na makapag-shooting si Alfred para sa Feng Shui 2 dahil bukas na kukunan ang eksena at wala na siya sa Pilipinas. Umalis si Alfred ng bansa pagkatapos ng birthday niya noong Biyernes, October 24.
Hula kina Janine at Elmo nagkatotoo!
Ang More Than Words ang ipapalit ng GMA-7 sa Seasons of Love na isang buwan lang na napanood sa TV.
Starring sa More Than Words ang real-life love team nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.
Stranger sa isa’t isa sina Elmo at Janine nang magbida sila sa remake ng Villa Quintana.
Nagkatotoo ang mga hula na magkakaroon ng relasyon ang dalawa dahil nagkagustuhan sila sa set ng Villa Quintana.
Opisyal na ang pagiging mag-dyowa nina Elmo at Janine. Hindi na nila itinatago ang love affair kaya alam na natin ang mga itatanong sa kanila sa presscon ng More Than Words.
Kahit dalawang dekada na ang nakalipas, Leni Santos hindi nagbago ang hitsura
More Than Words ang reunion ng love team nina Rey Abellana at Leni Santos. Matagal nang hindi napapanood sa TV si Leni na kapareha ni Rey sa Anna Liza, ang soap opera ng GMA-7 noong early 80’s. Ang sabi ng isang reporter, walang ipinagbago ang hitsura ni Leni nang makita niya kamakailan.
In fairness, sikat na sikat noon ang love team nina Rey at Leni pero hindi sila ang nagkatuluyan. Si Rea Reyes ang naging asawa ni Rey at nagkaroon sila ng anak, si Carla Abellana. Anak si Rea ng veteran actress na si Delia Razon.
Maganda at nag-aral pa naman sa Amerika dating artista na si Bobbi Mercado
at mga anak hindi na mahanap matapos balik-balikan ang pagtulog sa kalsada
Natatandaan ko na kasali noon sa cast ng Anna Liza si Bobbi Mercado na anak ng TV host na si Eddie Mercado.
Si Lito Pimentel na kaibigan ni Rey Abellana ang naging asawa ni Bobbi pero nauwi rin sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.
Matagal nang hindi active sa showbiz si Bobbi na huling namataan sa U.N. Avenue, ilang taon na ang nakararaan.
Naging homeless si Bobbi at ang kanyang dalawang anak na lalaki. Homeless as in wala silang permanenteng tahanan at natutulog lamang sa U.N. Avenue, Manila.
Marami ang hindi makapaniwala sa nangyari kay Bobbi dahil maganda siya, nag-aral sa Amerika at Inglisera pero nawalan ng direksyon ang dating maganda na pamumuhay.
Natunton noon si Bobbi ng staff ng isang showbiz talk show. Tumanggi siya na magpainterbyu dahil ayaw daw niya na mawala ang privacy ng kanyang mga anak.
Ang feeling kasi ni Bobbi, pupuntahan at uusyosohin sila ng mga tao kapag napanood sa TV ang life story nila.
Marami ang tumulong noon kay Bobbi at sa mga anak nito, kabilang si ex-Manila City Mayor Lito Atienza, pero binalikan ng mag-iina ang pagiging homeless at pagtambay sa U.N. Avenue.
Hindi na nakikita sa nasabing lugar si Bobbi at ang kanyang mga anak. Sana nga, maayos na uli ang buhay nila kaya hindi na sila namamataan sa U.N. Avenue.