MANILA, Philippines – May sama pala ng loob si John Lloyd Cruz sa production ng pelikulang The Trial. Ang rason, marami raw eksena ni Lloydie ang in-edit out sa ipinalalabas pa ring pelikula ng Star Cinema. Eh ang feeling daw ng actor, ang mga tsinuging eksena sa pelikula ang mas maganda at nabigyan niya ng justice ang character ng isang mentally challenged na estudyante na pinagbintangang nang-rape.
Tinatanong naman daw ng aktor ang rason ng produksyon sa pagkaka-edit out sa mga sinasabing eksena ng aktor pero naipalabas na lang daw ang pelikula, wala pa ring reply ang production kay John Lloyd.
Ito raw ang rason kaya hindi masyadong naging visible sa promo ng pelikula ang boyfriend ni Angelica Panganiban.
Wala ring masyadong balita na kumita ang The Trial na pinagbibidahan din nina Richard Gomez and Gretchen Barretto.
Ang feeling ng source, sinadya na tanggalin ang mga eksena ni John Lloyd dahil hindi pa nga raw ito nakaka-renew ng kontrata sa ABS-CBN eh baka raw ‘pag pinuri-puri siya sa pelikula, mas malaking talent fee na ang kailangan nilang ibigay sa actor.
Pakiramdam lang naman ‘yan ng isang taong malapit kay John Lloyd.
Actually, kulang na kulang nga ang acting ni JLC sa The Trial. Magaling naman pero parang hindi niya naibigay ang lahat sa character niyang 29-year-old na may utak na pangkinse anyos. Ang nakakatawa pa, may eksena na biglang magaling mag-isip ang character ni John Lloyd na si Ronald tulad dun sa eksenang gusto niyang ipakita kay Amanda (Gretchen) na isang developmental psychologist ang feeling ng isang niri-rape para patunayan na hindi niya ginahasa si Bessy (Jessy Mendiola) sa nagkalat na sex video nila. Si Amanda at ang lawyer niyang asawa na si Julian (Richard Gomez) ang tumutulong kay Ronald para idepensa ang bintang na rape sa kanya ni Bessy na teacher naman niya (Ronald) samantalang supposedly ay may problema siya sa pag-iisip.
Sayang dahil maraming na-excite sa pelikula pero kinapos sa excitement at parang nalito na si Direk Chito Roño kung paano tatapusin ang kuwento.
Samantala, wala naman din daw offer kay John Lloyd na pelikula nila ni Sarah Geronimo. Nabalita na dati na magtatambal uli sila ni Sarah after ng tatlong pelikula nila na super box office.
Dasal ni Sen. Bong malapit na raw pakinggan
Huli man daw magaling nakakahabol pa rin. Mukha kasing matutupad pa rin ang birthday wish ni Sen. Bong Revilla (birthday niya noong Sept. 25) na makalabas ng kulungan. Ayon sa isang malapit kay Bong na madalas dumalaw sa kanyang kulungan sa PNP Custodial Center, dasal daw kasi nang dasal ang senador na pinagbibintangang nangulimbat ng datung ng bayan. At nabanggit daw nito, na parang naririnig na ang mga dasal niya.
Inamin kasi ng Anti-Money Laundering Council (AMCL) na walang pera ang JLN Corporation na pumasok sa anumang bank account ni Bong na walang palya sa pagba-Bible study kada Linggo kaya positibo raw ito na makakasama niya ang pamilya bago mag-Pasko.
Ayon sa report, sa cross examination daw ni Defense counsel, Atty. Joel Bodegon sa pagpapatuloy ng bail hearing ni Revilla sa Sandiganbayan, kinumpirma ni AMLC bank investigator Atty. Leigh Von Santos na wala silang nakitang anumang pondong nagmula sa korporasyon ni Janet Lim Napoles na pumasok sa kahit anong bank account ng mambabatas kontra sa alegasyon ni Benhur Luy laban sa senador.
Ayon daw sa Senador, malakas ang kanyang kumpiyansang lilitaw din ang katotohanan na ang lahat ng alegasyon laban sa kanya ay walang basehan dahil nga katuwiran niya ay galing ‘yun sa kanyang mga kinita sa pelikulang mahigit 100 din pala plus product endorsement at television shows.
Edu nagsalita sa bintang na corruption
Mabilis ang reaction ni Edu Manzano sa sinasabi ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na lahat ng naging vice mayor sa Makati ay naging corrupt. Naging bise alkalde si Edu ng isang term sa Makati kaya naalarma raw ito sa mga sinasabi ni Mr. Mercado. Natalo ni Edu that time si Mr. Mercado na ngayon ay state witness sa investigation sa mga sinasabing tagong yaman ni Vice President Jejomar Binay.
Heto ang statement ni Edu:
“Reports have been coming out on all media platforms that Makati City officials, from the mayor down to the lowest rank, during their terms between 1999 and 2014, received kickbacks from favored contractors of infrastructure projects in Makati City, as exposed by former Vice Mayor Ernesto Mercado.
“During my term as Vice Mayor of Makati City from 1998 to 2001, I have not participated nor did I benefit, directly or indirectly, from any kind of dealings with these contractors, nor received any kickback, gift, reward or any pecuniary benefit or advantage relative to any contract, project or transaction entered into, for and in behalf of the Makati City government. I join the public in their clamor and quest for the truth. It is my sincere hope, and I guess that of many, that such quest be conducted fairly and justly.”
Anyway, magti-taping na raw si Edu for Bridges, ang bagong teleserye ng ABS-CBN kung saan ay makakasama niya sina Jericho Rosales, Maja Salvador, and Xian Lim. Si Xian ang pumalit sa role na hindi tinanggap ni John Lloyd.