^

PSN Showbiz

Singer actor pakitang tao lang daw ang paggastos para sa anak nila ng aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang hindi raw pagbibigay ng sustento sa kanilang anak ang isa sa mga rason nang paghihiwalay ng isang showbiz couple. Pero bakit sa Instagram (IG) ni singer-actor (SA), pino-post nito ang mga binibili niya para sa anak nila ng aktres?

Sabagay, iba ang buwanang sustento sa binibili lang ni SA para sa anak nila ng aktres. Aanhin nga naman ng bata ang maraming laruan at gamit kung hindi nasusunod ni SA ang usapan nila ng aktres na sustento sa bata na lumalaki na.

In fairness sa aktres, hindi siya masipag mag-post sa IG ng mga bagay at laruan na binibili para sa anak at mas maraming bonding moments nilang mag-ina ang mga nakikitang pictures ng mga bumibisita sa IG nito.

Solenn isosoli na ang ‘tiyanak’!

This Monday na isosoli ni Solenn Heussaff kina directors Peque Gallaga at Lore Reyes ang isa sa tatlong manikang tiyanak na ginamit sa T’yanak. One week hiniram ni Solenn ang manika at dala-dala kahit saan siya magpunta.

Kuwento ni Direk Peque, totoong mata ng buwaya ang ginamit sa manika kaya mukhang totoo. Bumubuka rin ang bibig nito at kumukurap. Ang request ni Direk Peque kay Adrian Batoctoy na gumawa sa manika, ’wag itong masyadong papangitin.

Sa October 29, na ang simula ng showing ng T’yanak sa SM Cinemas.

AANHIN

ADRIAN BATOCTOY

BUMUBUKA

DIREK PEQUE

LORE REYES

PEQUE GALLAGA

SA OCTOBER

SOLENN

SOLENN HEUSSAFF

THIS MONDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with