Anne malaki ang improvement ng acting sa kanyang unang Hollywood film!

SEEN: Certified actress si Anne Curtis sa Blood Ransom dahil malaki ang improvement ng kanyang abilidad sa pag-arte. Ang Blood Ransom ang unang “Hollywood movie” ni Anne.

SCENE: Eliminated noong Sabado sa The Amazing Race Philippines Season 2 ang Team Juan D nina Daniel Marsh at Charlie Sutcliffe dahil sila ang pinakahuli na dumating sa  pit stop.

SEEN: Nag-celebrate ng 62nd birthday si Annabelle Rama sa 71 Gramercy noong Sabado sa piling ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Highlight ng birthday dinner ang “walk out” ni Ruffa Gutierrez.

SCENE: Sumabog kahapon sa Twitter ang  word war ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Ito ang mahabang litanya ni Annabelle para kay Ruffa:  Akala mo sa pag walk-out mo sa birthday dinner ko last night nasira ang gabi ko? Hindi!!! Tuloy pa rin ang saya... Hindi ako nakikialam sa buhay mo.

“As a mother I have all the rights to give advice sa naliligaw na landas kong anak... Since day1 yan lagi nating pinag-aawayan, love life mo, mahirap bang humanap ng guy na stable? May degree, businessman, naghahanap-buhay?

“Hindi ka naman namin pinalaki ng Daddy mo at pinag-aral sa best schools para lang pumatol sa mga P.G. Wake up!!! It’s not too late yet. Sayang ang beauty mo at pagiging matalino mo. Waste of time yang mga P.G na ‘yan. Palagi mong sinasabi kung bakit ako pumatol sa Daddy mong gwapo. You always compare me to you... Daddy is Handsome, Hardworking and 10 years older than me at marunong maghanap-buhay...”

Scene: Ang sagot ni Ruffa Gutierrez sa kanyang ina: ”It doesn’t mean that just because you are a mother ,you have the right to be BASTOS and embarrass your child in front of people!

“Excuse me. ..not only in front of people but in front of family & friends at an intimate dinner party. I am a mother too! And I would never do that!! I walked out because you have crossed the line! You tried to be funny at my expense! Kung ikaw walang hiya, bigyan mo naman ng kahit konting hiya at respeto ang pamilya mo! What u did is not normal. Oh & guess what? No one even called or asked me if I was fine. Only 1 person. Thank you to my dearest Sarah Lahbati for reaching out and for sincerely being concerned for me. I value your friendship.”

Show comments