Ilusyonado ang male singer na naniningil ng P300,000 na talent fee dahil walang magbabayad nang ganoon para sa kalahating oras na show.
Para sa grupo niya na may tatlong miyembro ang P300,000 talent fee na sinisingil ng male singer sa tao na nag-inquire sa kanya.
Kahit tatlo pa sila, napakalaking halaga pa rin ng P300,000 dahil hindi naman sikat o in demand ang grupo ng male singer na isa lang yata ang hit song.
Nawalan ng raket ang grupo dahil sa unreasonable talent fee na hinihingi ng male singer. Na-turn off din ang tao na nag-iimbita sa kanila at sumusumpa na never again na magtatanong o bibigyan niya ng show ang male singer at ang mga kasama nito.
Matteo gullible kaya madalas ma-bully
Nagbibiro lang si Matteo Guidicelli nang sabihin nito na bullying victim siya nina Billy Crawford, Luis Manzano at ng ibang mga co-star niya sa Moron 5.2 The Transformation.
Si Matteo ang baby ng Moron 5 kaya siya ang paborito na paglaruan at biruin ng mga kasama niya sa pelikula.
Mabilis maniwala si Matteo, as in very gullible ito kaya siya ang favorite pastime nina Billy at Luis.
Madalas na nagkakasama ang mga artista ng Moron 5.2 dahil sa promo ng kanilang pelikula na showing sa mga sinehan sa November 5.
Sa November 3 naman ang premiere night ng Moron 5.2 sa Market Market Cinema at SM Megamall Cinema 9.
Anne nanibago nang mapanood ang sarili na bampira
“Strange” ang pakiramdam ni Anne Curtis nang mapanood niya ang Blood Ransom sa premiere night nito sa Newport Performing Arts Theater noong Sabado.
Strange dahil nanibago si Anne sa kanyang hitsura sa horror movie na sinabi niya na perfect for Halloween.
Isang bampira ang karakter na ginampanan ni Anne sa kanyang first international indie movie. Madugo ang Blood Ransom dahil sa title pa lang, very bloody na ang pelikula.
Anne maraming Pinoy na kasama sa unang International Film
Hindi si Anne ang nag-iisang Pinoy na mapapanood sa Blood Ransom dahil starring din sa pelikula sina Suzette Ranillo, Dion Basco, Jonjon Briones, at ibang Filipino actors.
Pinoy din ang direktor ng pelikula, si Francis dela Torre na puring-puri ni Alexander Dreymon dahil napakagaling na direktor ni Dela Torre.
Ikinuwento ng mga nakapanood ng Blood Ransom na kahit horror movie ito, makaka-relate ang mga Pilipino sa mga eksena at sa mga dialogue ng mga artista.
Alexander gusting magka-career sa ‘Pinas
Kasama ni Anne na umapir kahapon sa The Buzz ang kanyang leading man sa Blood Ransom, ang American actor na si Alexander Dreymon.
Gustung-gusto ni Alexander ang Pilipinas dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan.
Hoping si Alexander na magkakaroon siya ng project sa bansa natin na hindi imposibleng mangyari dahil sa mga positive feedback sa performance niya sa Blood Ransom.
Ang Viva Films ang magre-release ng Blood Ransom sa local theaters sa October 29. Puwedeng ang Viva Films ang magbigay kay Alexander ng mga movie project para makabalik siya sa bayan natin.
Nag-attend si Alexander sa premiere night ng pelikula nila ni Anne. Matagal nang natapos ang shooting ng Blood Ransom kaya excited na excited si Alexander nang mapanood niya noong Sabado ang kabuuan ng pelikula.