^

PSN Showbiz

Nanalong best dokyu sa Cine Totoo mapapanood mamayang gabi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula ngayong Oktubre 26, mapapanood na sa GMA News TV ang apat na dokumentaryong nagwagi sa katatapos lang na 1st Cine Totoo: Philippine International Documentary Festival. 

Unang mapapanood ngayong Linggo ang ob­rang nanalo bilang Best Documentary at Audien­ce Choice Award na Gusto Nang Umuwi ni Joy, ni Jan Tristan Pandy. Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Joy na hindi lamang isa sa bawat 200,000 Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa United Kingdom - kundi isa rin siya sa mga tinatayang 1.1 million undocumented migrants mula sa iba’t-ibang bansa. 

Tampok sa dokumentaryo ang mga pang araw-araw na gawain ni Joy pati na rin ang pakikipag-u­sap niya sa kanyang asawa at mga apo. Matutunghayan rin ang pakikibalita niya sa mga pangyayari sa Pilipinas at maging sa mga soap opera sa telebisyon. Bukod sa Best Documentary Prize, itinanghal rin ang Gusto Nang Umuwi ni Joy bilang Audience Choice Award winner na base sa boto mula sa mga nanonood sa Cine Totoo na ipinalabas sa Trinoma, SM Megamall, at SM Manila.

Ang Cine Totoo Special Jury Prize winner naman na Mananayaw ni Rafael Froilan ang siya namang mapapanood sa Nobyembre 2.

Samantalang ang Walang Rape sa Bontok ni Carla Samantha Ocampo at Kung Giunsa Pagbuhay ang Binisayang Chopsuey (How to make Visayan Chopsuey) by Charliebebs Gohetia, na parehong tumanggap ng Special Mention Certificates, ay ipalalabas sa Nobyembre 9 at Nobyembre 16. 

Panoorin ang lahat ng mga nagwaging dokumentaryo mula sa 1st Cine Totoo Philippine International Documentary Festival simula ngayong Linggo (October 26), 9:30 p.m., sa nangungunang local news channel sa bansa, ang GMA News TV.

 

ANG CINE TOTOO SPECIAL JURY PRIZE

AUDIENCE CHOICE AWARD

BEST DOCUMENTARY

BEST DOCUMENTARY PRIZE

BINISAYANG CHOPSUEY

CINE TOTOO

GUSTO NANG UMUWI

NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with