MANILA, Philippines - Mas engrande at malaking selebrasyon ang hatid ng ASAP 19 ngayong linggo (Oktubre 26) sa pagdagsa ng 12,000 Kapamilya sa LA Sports Arena upang maki-all out party sa 40 naglalakihang Kapamilya stars.
Back-to-back concert treats at world-class performances mula sa Filipino pride Jessica Sanchez at Apl de Ap ang matutunghayan.
Humanda rin sa de kalibreng musical performance ng OPM Hitmakers Jam Morales at Ella Mae Sison.
Abangan din ang nakakakilig na sorpresa mula sa blockbuster loveteams na sina Kathryn Bernardo/Daniel Padilla, John Lloyd/Toni Gonzaga, at Kim Chiu/Xian Lim.
Samantala, makisaya at makikanta sa tunay Paskong Pinoy kasama ang ASAP Sessionistas at maki-sing along sa top caliber performances nina Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Angeline Quinto, Morisette Amon, at Klarisse De Guzman sa kanilang pag-awit ng timeless hits ni Celine Dion at Whitney Houston na susundan ng isang rock and roll performance mula sa Rock Royalties na sina Bamboo, Jovit, at Yeng Constantino. Humanda naman sa kaabang-abang na vocal performances nina Martin Nievera, Erik Santos, Piolo Pascual, Charice, at Gary Valenciano.
At huwag palampasin ang Hollywood treats mula sa world class Pinoys na sina Tia Carrere, Cher Calvin, at Mark Nicolas kasama ang ASAP Stars. Tunghayan din ang mga host ng programa sa kanilang pagpunta sa fun-filled sights sa LA sa Hollywood Walk of Fame, Sta. Monica Park, Getty Center, Fox Studios, Los Angeles Memorial Coliseum, Beverly Hills Hotel, Madam Tussauds, Grand Park, Rose Garden, at Sea World.
Abangan din ang Boom Panes at Whoops Kiri number nina Kathryn, Julia Barretto, Robi Domingo, Alex Gonzaga, at Jessy Mendiola.
Huwag palampasin ang longest-running at award-winning variety show ng sambayanan, ASAP 19, ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.