Pelikula ni Derek with Kris and Marian parehong naudlot

Ano na kaya ang nangyari sa movie contract ni Derek Ramsay sa  bakuran ng Regal Films.
Early this year ay pumirma ng non-exclusive contract ang controversial hunk actor sa Regal Films at may lumutang pang balita na nakatakda niyang makatambal sa magkahiwalay na pro­jects sina Kris Aquino at Marian Rivera.

With Kris, mukhang malabo itong mangyari dahil hindi umano pinayagan ng ABS-CBN at ng Star Cinema ang Presidential sister na makatambal si Derek at si Marian naman ay abala ngayon sa nalalapit na pag-iisang-dibdib nila ni Dingdong Dantes. If ever mang matuloy ito, malamang next year na.

Si Derek ay nakagawa na ng mga box-office hit movies tulad ng Praybet Benjamin na pinagbidahan ni Vice Ganda, ang No Other Wo­man with Anne Curtis at Cristine Reyes at ang A Secret Affair with Anne Curtis at Andi Eigenmann.

Si Derek ay nananatiling exclusive contract star ng TV5.

Ellen katomaan si Angelica

Hindi kaya nanghihinayang ang GMA na pinakawalan nila ang Cebuana sexy actress na si Ellen Adarna? Un­known to many, si Ellen ay sa bakuran ng Kapuso network nagsimula sa pamamagi­tan ng Bubble Gang kung saan siya naging mainstay sa loob ng halos tatlong taon. She also appeared sa ilang TV series ng GMA in supporting roles tulad ng Captain Barbell: Ang Pagbabalik, Alice Bungisngis, Her Wonder Walis, at Indio. Pagkatapos nito ay hindi na muling napanood si Ellen sa mga programa ng Siete at unti-unti na siyang nagiging visible sa mga TV gues­tings sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN tulad ng It’s Showtime, The Singing Bee, ASAP, The Buzz, at Gandang Gabi Vice hanggang sa makasama siya sa cast ng seryeng Moon of Desire kung saan isa sa mga lead at may kasunod na siyang project na siya mismo ang female lead, ang Pasion de Amor at makakasama niya sa cast sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Arci Munoz (na transferee from TV5) at ang nobya ni Billy Crawford na si Coleen Garcia.

Not too long ago, dalawang grand launch ang a­ming nadaluhan na ang Cebuana sexy actress na si Ellen Adarna ang celebrity endorser, ang Bench Body and most recently ay ang 2015 calendar girl ng Ginebra San Miguel. In both launches, parehong ipinakita ni Ellen that she’s the newest sexiest personality to reckon with.

Gusto namin ang pagiging totoo ni Ellen. Hindi niya ikinakaila na umiinom siya at hindi rin itinatago ng sexy actress na fake ang kanyang boobs.

Ibinahagi rin ni Ellen na traumatized umano siya sa salitang kasal dahil nagkaroon sila ng problema ng kanyang ex-boyfriend kung kanino na siya engaged to be married.

“It was an abusive relationship,” aniya. Ellen is currently living-in with her non-showbiz boyfriend na si Raoul Olbes na very supportive umano sa kanyang career kahit siya’y nagpapa-sexy.

Given the chance, gusto ni Ellen na makapareha si John Lloyd Cruz dahil bukod sa nakakainuman niya ito with GF Angelica Panganiban, gustung-gusto niya umano ang personalidad ng aktor.

Juday umaming ‘high’ kapag naghu-host!

Malaki talaga ang naging impluwensiya ng TV host-actor na si Ryan Agoncillo sa kanyang misis na si Judy Ann Santos pagdating sa paghu-host dahil in-demand na ngayon si Juday sa pagiging TV host ng iba’t ibang reality show ng ABS-CBN tuald ng Junior Master Chef, Bet on Your Baby, at maging ang I Do na malapit nang magtapos ang unang season.

Hindi ikinakaila ni Juday na kakaibang high ang kanyang nararamdaman sa paghu-host dahil iba ang pakiramdam na kanyang nakukuha. While she’s not enjoying sa paghu-host, nami-miss naman niya ang paggawa ng isang tele­serye na malamang gawin niya next year.

Show comments