Kung kelan bagong pasok pa lamang si Nadine Samonte sa top-rating TV drama series na Hawak-Kamay ay saka naman daw ito hindi available for taping dahil mangingibang-bansa umano ito with her husband na si Richard Chua (anak ng aktres na si Isabel Rivas) to celebrate their first wedding anniversary on October 30). Kung hindi kami nagkakamali, sa Bali, Indonesia ang kanilang tungo at matagal na umano itong nakaplano.
Kapag hindi pinaboran ni Nadine ang kanyang bagong trabaho sa ABS-CBN, malamang na mahirapan na siyang magkaroon ng follow-up project sa nasabing TV network unless alam ito ng produksiyon beforehand.
Expired na ang three-year contract ni Nadine sa TV5 kaya malaya itong nakapag-guest sa long-running weekly drama anthology ng Dos, ang Maalaala Mo Kaya. Hindi lamang kami sigurado kung pumirma na ng kontrata si Nadine sa ABS-CBN kung saan siya unang nagsimula nang siya’y sumali sa Star Circle Quest years back pero sa reality artista search na Starstuck 1 ng GMA siya napansin.
Maxene ‘iniwan’ na ang mga kapatid
Mula sa kanyang pagiging Kapuso, ang panganay na anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona na si Maxene Magalona ay lumundag na rin sa pagiging isang Kapamilya at meron na agad itong isang TV series project, ang Dear Dad kung saan niya rin kasama sina Zanjoe Marudo, Gloria Diaz, at iba pa.
Kung isa nang Kapamilya si Maxene, nanatiling Kapuso naman ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na sina Elmo at Frank Magalona.
John Lloyd pinalitan na ni Xian Lim sa Bridges
Speaking of Kapamilya, maraming mga bagong programa ang niluluto ngayon ng ABS-CBN na malamang i-launch nila sa pagpasok ng bagong taon (2015). Nariyan ang Nathaniel nina Gerald Anderson at Shaina Magdayao, ang Bridges na pagsasamahan sana nina Jericho Rosales, Maja Salvador pero umatras umano si John Lloyd Cruz at siya’y pinalitan ni Xian Lim. Makakasama rin sa nasabing serye si Carmina Villarroel at ang balik-ABS-CBN na si Edu Manzano at ang A Family Story na tatampukan ng balik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, Jessy Mendiola, JC de Vera, at Tonton Gutierrez na pamamahalaan ni Jerry Sineneng, ang Flordeliza na magsisilbing reunion project ng (dating) magka-loveteam na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na pamamahalaan ni Wenn Deramas at siyang makakapalit ng malapit nang magtapos na morning TV series na Be Careful with My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap at ang TV remake ng Pangako Sa `Yo na tatampukan ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama si Angelika Panganiban at malamang na makasama rin si Denise Laurel.
Unang choice umano si Jodi Sta. Maria sa papel na Amor Powers pero nag-beg off daw ito dahil gusto muna nitong magpahinga pagkatapos ng Be Careful with My Heart na halos tatlong taon niyang ginagawa.