Piolo at Sarah magsasama sa Valentine!

MANILA, Philippines - Box office, best actress, best female performer, etc. etc. at ngayon Best Southeast Asia Act sa 2014 MTV EMA ang singer/actress na si Sarah Geronimo. Yup, tinalo niya ang mga nakalabang Up Dharma Down (Filipino band), NOAH and Agnez Mo of Indonesia, Yuna of Malaysia, Stefanie Sun of Singapore, and Slot Machine of Thailand.

Busy ngayon si Sarah sa promo ng kanyang 11th studio album, ang all-original titled Perfectly Imperfect na available na sa mga music stores at puwedeng ma-download sa iTunes.

In fairness, birit-free ang album niya pero feel mo na kakaibang emotions niya ang bawat kanta sa album.

At naka-schedule na rin ang next movie niya na magi-start na ang shooting next month. At ang kanyang leading man, hindi si John Lloyd Cruz o si Matteo Guidicelli kundi si Piolo Pascual. Mismong si Mr. Vic del Rosario ang nag-confirm sa nasabing pelikula ni Sarah na sa Valentine’s Day daw ang target playdate.

Grabe si Sarah, suwerte na sa career maligaya pa ang puso sa piling ni Matteo Guidicelli.

Iba talaga pag mabait na anak, pinagpapala.

Cinema One, maghahasik ng kakaibang katatakutan

Humanda sa makapanindig-balahibong event  na may mga activities pa ngayong Hallo­ween season sa taunang Sinesindak 2014 hatid ng Cinema One kasama sina Robi Domingo at Kitkat ngayong October 25, Sabado sa Eastwood Plaza, Quezon City.

Sugod na suot ang inyong mga pinaka­ma­ganda’t nakakatakot na Halloween costumes para sa parade ng 5:00 pm. Ang may pinakamagandang costume na mapipili ay magkakamit ng special prizes. Dalalo rin ang cast ng Dilim mula sa Regal Films kung saan bida sina Kylie Padilla, Yna Asistio, at Ella Cruz. Kakanta naman si Morisette Amon ng The Voice Season 1 para maghandog ng kasiyahan sa lahat.

At bilang special treat sa mga pupunta, ipapalabas ng libre ang Malaysian film na  Pee Mak ng 7:00 pm. Ang Pee Mak ay isang hit comedy horror film na pinagbibidahan ng Thai Superstar na si Mario Maurer.

Si Mak (Mario Maurer) ay nagbigay serbisyo bilang sundalo sa simula ng digmaan ng Rattanakosin Dynasty. Dito ay naging kaibigan niya sina Ter, Puak, Shin, at Aey, na kanya ring sinagip sa panganib. Matapos ang digmaan, inimbitahan ni Mak ang apat na kaibigan sa bahay niya sa Phra Khanong town at ipinakilala sa magandang kabiyak na si Nak at bagong panganak nilang sanggol na si Dang. Sa kanyang pag-uwi ay nalaman niyang may kumalat palang usap-usapan na ikinamatay ni Nak ang panganganak kay Dang. Ang pasimuno ng kumalat na balita na si Aunty Priak, may-ari ng isang tindahan ng alak, na natagpuang patay at nakalutang sa ilog ilang araw matapos ang pag-uwi ni Mak.

Pakana ang Sinesindak ng Cinema One (SkyCable Channel 56), na nagdiriwang din ng kanilang ika-20 anibersaryo. 

Anne at Coleen lumambitin sa ere para manalo ng P300K?

Magkakaalaman na ngayong araw kung sino ang mananalo sa mga pakulo ng It’s Showtime hosts sa Magpasikat Week. Mamimili ang mga huradong sina Pops Fernandez, Jim Paredes, at Cherie Gil ang tatanghaling grand winner na magwawagi ng P300,000 na ibibigay sa kanilang napiling charity.

Kanya-kanyang gimik ang mga host ng noontime show. Sina Billy Crawford, Jugs, at Teddy kaya gumawa ng kanilang sariling variety show kung saan sila din ang hosts at contestants nitong Biyernes.

Whatchamacall8 ang titulo na parang nagsilbing isang buong segment dahil kumuha pa ito ng isang contestant, pati na rin sina Nadine Lustre at James Reid.

Marami namang pinaiyak si Vice Ganda at Ryan Bang noong Huwebes. Matapos magbigay ng isang nakakatawang monologue, naging seryoso ang mood nang simulang awitin ni Vice na siya mismo ang sumulat. Equality ang tema ng kanta na sabi ng huradong si Jim Paredes ay maaaring gawing LGBT anthem. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nag-sorry rin ang huradong si Cheri Gil kay Vice dahil umano sa naging kumento nito noon sa isang stand-up act ni Vice.

Noong Miyerkules naman, napabilib nina Anne Curtis at Coleen Garcia ang madlang people dahil sa kanilang nakakatensyong aerial stunt kung saan lumambitin sila sa ere. Nagpabilib din ang dalawa nang tumugtog sila ng iba’t ibang instrumento gaya ng gitara, piano, xylophone, at drums.

Nakakaantig din ang performance ng mag-partner na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario noong Martes nang isalaysay nila ang kwento ng kanilang pagkakaibigan sa pamamagitan ng isang interpretative dance. Minsan pala’y nagkaroon ng misunderstanding ang dalawa dahil sa isang babae.

Gumawa naman ng kanilang sariling concert noong Lunes (Oktubre 20) sina Karylle at Kuya Kim Atienza gamit ang iba’t ibang science experiments para sa unang performance ng Magpasikat Week. Nagtapos pa ito sa dalawang matitinding pasabog – ang surprise appearance ni Mommy Dionisia Pacquiao at ang paglulunsad ng kanilang bagong mobile app.

So sino kaya sa kanila ang mananalo? (SVA)

Show comments