MANILA, Philippines - Hiinirang si Filipino pop star Sarah Geronimo na Best Southeast Asia Act sa MTV Europe Music Awards.
Ang naturang pagkilala ay simula pa lamang sa kampanya ni Sarah upang mapabilang sa 10 nominado sa Worldwide Act ng 2014 MTV EMA.
Sa ikalawang bahagi ng botohan para pumasok sa top 10, kailangang talunin ni Sarah sina BiBi Zhou ng China at Hong Kong at Hebe Tien ng Taiwan.
Nagsimula ang botohan noong Oktubre 23, 12:00 a.m. (Central European Time) at magtatapos sa Oktubre 29, sa ganap na 11:59 p.m. (CET).
Ihahayag ang 10 nominado sa Worldwide Act sa Oktubre 30.
Magaganap ang MTV Europe Awards sa Nobyembre 9 (Nobyembre 10 sa Pilipinas), sa SSE Hydro sa Glasgow, United Kingdom.