SEEN: Magkasama na pinanood nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang live show ni Ellen DeGeneres. Tuwang-tuwa ang fans nina Daniel at Kathryn dahil maraming beses na nahagip sila ng mga TV camera ng Ellen.
SCENE: Hindi kumakain ng “man made food” ang sinabi ni Ellen Adarna na sikreto ng kanyang sexy body.
SEEN: Totoo ang pahayag ni Robi Domingo na “No one can replace Luis Manzano in hosting” dahil mahihirapan siya na pantayan at higitan si Luis.
SCENE: Parang kuwento lang ng Ikaw Lamang ng ABS-CBN ang drama sa buhay ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado at ng kanyang misis na si Josie. Hindi tumingin ng diretso sa TV camera si Mrs. Tallado nang sabihin nito na may sex video ang asawa niya at hindi siya kinakampihan ng kanilang nag-iisang anak.
SEEN: Ang obserbasyon na nag-i-enjoy sa atensyon na ibinibigay ng media ang German boyfriend ng murdered transgender na si Jennifer Laude. Walang puwang sa Pilipinas ang boyfriend ni Laude na walang respeto sa batas ng Pilipinas at sa panunulak niya sa isang Filipino soldier nang mag-trespassing siya sa Camp Aguinaldo noong Miyerkules.
SCENE: Sa October 29 ang last shooting day ng My Big Bossing, ang pelikula ni Vic Sotto para sa 2014 Metro Manila Film Festival.
SEEN: Ang meet- and-greet nina Anne Curtis at Alexander Dreymon sa October 31 sa AMC Empire 25, New York City. Ipino-promote nina Anne at Alexander ang kanilang suspense thriller movie na Blood Ransom.
SCENE: Guest performer sa 4th Annual Ten Outstanding Filipino American-New York Awards ang The Voice Kids Philippines finalist na si Darren Espanto. Gaganapin ang TOFA-NY Awards sa October 25 sa Carnegie Hall, New York.