ASAP sa LA sinugod ng 12,000 fans

MANILA, Philippines - Nang maitanong ang mga kasama sa concert kung paano nila idi-describe ang ASAP Live in LA noong nakaraang October 8 presscon sa Los Angeles Memorial Sports Arena, ayon kina Gerald Anderson, “Awesome!”; Maja Salvador, “Spectacular!”; Yeng Constantino, “Astig!”; Bamboo, “Class Act”; Zsa Zsa Padilla, “Powerful”; Martin Nievera, “Unforgetable”; Enchong Dee, “Memorable”; Kathryn Bernardo, “Fun!”; at Daniel Padilla, “Intense!”

Dagdag naman ni Gary Valenciano, “Blessed” dahil daw sila ang napili na mag-perform sa dinami-rami ng mga artista at naniniwala siyang may malaking plano raw marahil ang Diyos para sa kanila.

Talaga nga namang nagkatotoo ang mga sinabi ng The Filipino Channel’s 20th Anniversary Ambassador na si Gary V pati na ng siyam niyang kasama noong presscon bago pa man ang ginanap na ASAP Live in LA noong nakarang October 11.

Hindi nga natibag ang 12,000 na Pinoy na dumalo at dumumog sa naturang event ng TFC kahit pa may mga kasabayan itong iba’t ibang event ng mga international stars.

Hindi naman binigo ng ABS-CBN at TFC North America ang mga subscribers nila dahil nga tambak ito ng mga naglalakihang artista kasama ang mga Fil-Am superstars na sina apl.de.ap ng Black Eyed Peas, at Jessica Sanchez ng American Idol. Nag-perform din ang mga U.S.-based artists na sina Jam Morales, Ella Mae Saison, at Tootsie Guevarra. Naramdaman din ang presensya ng mga kilalang Fil-Am sa Hollywood na sina Tia Carrere, Reggie Lee, Mark Nicolas, at Fritz Friedman.

Siniguro ng direktor ng show na si Jonny Manahan kasama ang ASAP Business Unit Head na si Joyce Liquicia at ang kanilang Manila team na nasa ayos ang lahat.

Dinayo raw ang kanilang show ng fans, may mga lumipad pa mula sa Alaska, Hawaii, at Canada. Sa rami ng tao gumawa pa raw ng mga sarili nilang ASAP Live in LA attires ang fans. Talagang ginastusan at pinaghandaan din ng mga nanood ang araw na ito ayon kay Ricky Ressureccion na Project Lead at head din ng Ad Sales, Trade Marketing & Events ng TFC North America.

Naging successful nga ang nasabing event na pinamunuan ng bagong Anniversary Ambassador na si Martin Nievera.

Mapapanood worldwide ang ASAP Live in LA ngayong October 19 at 26. 

Show comments