Angel at Luis hindi na mapaghiwalay

Inseparable ngayon sina Angel Locsin at Luis Manzano dahil magkasama sila sa Amerika. Nagtungo ng Tate ang aktres dahil dadalawin nito ang kanyang best friend na si Lani Ilio na nagsilang ng kanyang unang baby. Parang magkapatid kasi ang dalawa noong narito pa sa ‘Pinas si Lani.

Si Luis naman ay nagtungo ng Amerika para sa isang hosting stint sa ASAP sa pagdiriwang ng 20th Anniversary ng TFC.

Mga bida sa Sineng Pambansa pagkain lang ang bayad sa mga artista

Sa presscon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ay kabilang ang tatlong horror films na Hukluban ni Gil Portes, T’yanak ni Lore Reyes at Peque Gallaga, at Sigaw sa Hatinggabi ni Romy Suzara.

Ang Bacao ni Edgardo “Boy” Vinarao ay isang thriller movie.

Maliit lang ang budget ng apat na entries pero binigyan sila ng seed money ng FDCP bilang tulong sa production cost.

Sa liit ng budget sa T’yanak, sinabi ni Direk Peque na pagkain lang ang bayad nila sa mga artista pero agad na nag-volunteer sina Ricky Davao, Paolo Contis, at Alessandra de Rossi na mapasama sa pelikula. Nagbiro pa nga ang mga ito na sila na lang ang magdadala ng pagkain.

Naikwento naman ni Direk Gil na sa last shooting day ng Hukluban ay muntik nang malunod ang bidang si Krista Miller dahil sa lakas ng agos ng tubig. Natakot si Direk, pero mabuti na lang at nailigtas siya ng set man. Kahit muntik malunod, professional ang aktres at itinuloy pa rin ang shooting. Nag-topless dito si Krista.

Hirap din sa budget si Romy Suzara pero napaganda niya ang horror movie sa tulong ng FDCP. Ang Bacao naman ay tungkol sa mais o maisan sa Isabela. Gumamit ng parallelism si Direk Boy at ikinumpara ang pagbubuntis ng isang babae sa mais. Nakakuha sila ng producer— ang Oro de Sie­te Productions kaya bongga ang promosyon ng movie.

Magbubukas ang apat na entries sa October 29, 2014 hanggang November 4 sa lahat ng SM Cine­ma branches nationwide kung saan ang entrance fee ay regular admission prices.

Show comments