Alam mo, Salve A., ang isa sa pinaka-successful at long-running afternoon TV series na produced ng ABS-CBN ay ang Tabing-Ilog, isang youth-oriented program na siyang pinagmulan ng respective careers ng mga bagets pa noon na sina Kaye Abad, John Lloyd Cruz, Paolo Contis, Jodi Sta. Maria, Patrick Garcia, Baron Geisler, Paula Peralejo, (younger sister ni Rica Peralejo), Desiree del Valle, at Carol Banawa. Tumagal ang nasabing palabas sa TV ng mahigit apat na taon (from March 1999 to October 2003).
Since then, malayo na ang naabot ng mga batang cast lalung-lalo na sina John Lloyd Cruz at Jodi Sta. Maria na pareho nang major stars ngayon.
Si John Lloyd ay isa na ngayon sa pinakamahusay na aktor sa kanyang henerasyon at isang bankable actor at in-demand celebrity endorser. Ang kanyang lovelife ay kasing colorful ng kanyang karera.
Si Jodi naman ay umarangkada nang husto ang karera nang magbida siya sa top-rating at long-running morning TV series na Be Careful with My Heart opposite Richard Yap.
Kung sina John Lloyd at Kaye ang magka-love team sa Tabing-Ilog, hindi ito nagtuluy-tuloy nang pareho silang mag-mature dahil isa iba’t ibang direksiyon sila napunta.
Habang masaya si Kaye na nag-pay off ang kanyang matagal na paghihintay na muling mabigyan ng lead role sa Two Wives, umaasa pa rin siya na magkaroon ng reunion project with John Lloyd Cruz in the future na hindi naman imposibleng mangyari dahil pareho silang Kapamilya stars hanggang ngayon.
Valerie nag-iba ang hitsura nang maging Miss World
Alam mo, Salve A., ibang-iba na ang dating ni Valerie Weigmann, ang newly-crowned Miss World-Philippines 2014 nang ito’y dumating sa studio ng Walang Tulugan with the Master Showman ni German “Kuya Germs” Moreno sa GMA last Friday evening na kakaiba nung siya’y dumating sa nasabing programa two weeks before the pageant kasama ang 25 other candidates ng nasabing patimpalak.
Napakaganda at regal ng dating ni Valerie na siyang kakatawan sa Miss World competition sa London sa darating na December 14, 2014 kung saan ire-relinquish ng reigning at outgoing Miss World na si Megan Young ang kanyang korona.
Isa kami sa umaasa at nananalangin na sana’y muling maiuwi ni Valerie at ng Pilipinas ang korona na matagal na naging mailap sa ating bansa.