MANILA, Philippines - Kahit sabihin man o hindi ng iba, isa sa mga kinatatakutan ng mga kalalakihan ay ang pagkalagas ng kanilang buhok. Para kasi sa mga nakararaming kalalakihan, ang pagkalagas ng buhok o pagkapanot ay isang kabawasan sa kanilang pagkalalaki.
At para nga mabigyan ng pansin ang problemang ito ng mga kalalakihan, ang numero unong cosmetic surgeon at doktor ng mga artista na si Dra. Vicki Belo ay nag-introduce ng Hair Transplant Procedure sa Belo Medical Group (BMG).
Sa episode ngayong Linggo ng Salamat Dok, tatalakayin ni Dr. Belo ang makabagong teknolohiya at treatment na ito kasama ang kanyang napakaespesyal na guest na si John Arcilla, isang movie, television, at theater actor. Tampok din sa programa ngayong Linggo ang Firm Plus na pampabanat ng balat at ang CO2 Laser na pantanggal ng warts.
Sa nasabing Hair Transplant Procedure, makikita na ang epekto sa isang procedure pa lang. Pawang ang pinakabagong hair transplant techniques (follicular unit grafting) ang ginagamit at ito ay nababagay sa mga napapanot na at tumataas sa hairline. Maaari rin itong gamitin sa treatment sa kilay at pilik-mata.
Ang Firm Plus naman ay gumagamit ng Electro Optical Synergy (ELOS) technology na ligtas na pinagku-combine ang radiofrequency at infrared light energies upang makapag-stimulate ng mga bagong collagen. Mabisa rin ito para ma-tighten at firm ang mga laylay at loose na balat. Multiple sessions ang kinakailangan at may pagitan na tatlo hanggang apat na linggo ang treatment. Para ito sa tightening at firming ng facial muscles, kamay, leeg, at tiyan.
Samantala, ang Carbon Dioxide (CO2) Laser ay para sa warts removal. Computer-controlled at precise ang laser treatment na ito. Nagtatanggal ito ng lesions at hindi nagdudulot ng thermal damage sa nakapalibot na balat sa lugar na may warts. Ideal ito in vaporizing warts, moles, syringomas at iba pang sugat sa balat. Ang CO2 Laser ay napakaepektibong paraan sa pagtanggal ng warts at iba’t ibang epidermal at dermal lesions. Ito ay isang high-precision light scalpel for incising and excising tissues, at sealing ng maliliit na blood vessels.
Ang Salamat Dok ay pinangungunahan ng news anchors na sina Alvin Elchico atBernadette Sembrano. Live itong napapanood tuwing Linggo ng 7:30 a.m. sa ABS-CBN at ABS-CBN News Channel (ANC).