May conflict daw sa pagiging asawa ni Sec. Mar: Korina pinagbabakasyon na sa TV Patrol!

How true na pinagbabakasyon na si Korina Sanchez bilang news anchor ng TV Patrol dahil may conflict ito sa pagiging asawa niya ni DILG Secretary Mar Roxas? Diumano, may utos na “magbakasyon” na si Mama Koring sa November at kung natatandaan ninyo, may isyu na pinagbabakasyon siya noong June 2014 pero nagkaroon lamang ng extension.

May mga pumapalag sa management decision na pagpahingahin si Mama Korina dahil news reader lamang siya ng TV Patrol. Hindi naman siya nagbibigay ng opinyon tungkol sa mga isyu na kinasasangkutan ng kanyang asawa. Kung talagang ipipilit daw na pagpahingahin si Mama Korina, ganito rin ang dapat gawin sa ibang mga TV personality na may political connection gaya ni Kris Aquino.

‘Hindi mortal sin na mag-greet ng advance happy birthday ‘no!’

Nabigla si House Representative Alfred Vargas dahil may mga bumati sa kanya ng happy birthday noong nakaraang Sabado. Ang sabi ng mga nag-greet, narinig daw nila ang pagbati ko kay Alfred sa Startalk.

True naman na binati ko si Alfred ng happy birthday pero advance ang birthday greeting ko sa kanya dahil sa October 24 pa ang kanyang actual birthday. Kung talagang kaibigan ni Alfred ang mga nag-greet sa kanya, knows nila dapat ang tunay na petsa ng kaarawan niya. Hindi ‘yung ako ang sinisisi nila. Hindi mortal sin na mag-greet ng advance happy birthday ‘no!

German bf ng transgender na pinatay sa Olongapo nagpapapansin lang

Marami ang nag-agree sa sinabi ko na hindi dapat binibigyan ng pansin o espasyo ang German boyfriend ng pinatay na transgender sa Olongapo City dahil sa panlalait niya sa ating lahi at pamahalaan.

Nagpapakontrobersyal lang ang German na the who sa kanyang sariling bayan. Tigilan na niya ang paninira sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Sagutin muna niya ang tanong ng karamihan, bakit sumama sa US marine ang kanyang dyowa kung talagang may commitment na sila sa isa’t isa?

Annabelle binalikan ang mga madre na nag-aruga sa kanya sa ampunan

May nagpadala sa akin ng family picture ng mga Gutierrez mula sa recent trip nila sa Cebu City. May mga madre sa background kaya nagduda ako na kuha ang litrato sa bahay ampunan na kinagisnan ni Annabelle Rama.

Sa pagkakaalam ko, muling binisita ni Annabelle ang bahay ampunan na pinanggalingan at kasama niya ang crew ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Sa madaling-salita, mapapanood bukas nang gabi sa reality show ng mga Gutierrez sa E! ang pagbabalik-tanaw ni Annabelle sa kanyang nakaraan at ka-join niya ang kanyang pamilya. Ang Cebu ang sentro ng latest adventure ng Gutierrez family sa Season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Jonalyn sumikat nang mag-solo

Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng mga reporter ang hindi pagpapansinan nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, at Maricris Garcia nang magkita-kita sila sa concert ni Frencheska Farr noong Thursday night. Hindi kapani-paniwala ang reason na nagkahiyaan lamang sila na batiin ang isa’t isa.

Naghinala ang mga reporter na totoo ang tsismis na may hidwaan ang tatlo kaya nabuwag ang kanilang grupo na La Diva. Mula nang tumiwalag si Jonalyn sa grupo, lalong dumami ang mga raket niya at nagkaroon pa siya ng mga hit song. In fairness kay Jonalyn, nakilala siya bilang solo artist at hindi matatawaran ang husay niya sa pagkanta. Carry ni Jonalyn na mag-solo kaya hindi na niya kailangan ng mga kasama.

Show comments