Active na uli sa Instagram (IG) si Carla Abellana at happy pictures and caption ang ipino-post, kaya nawala ang worry ng fans nito na baka may malaki itong problema dahil sa mga ipino-post noong mga nakaraang araw. Pero sabi ng aktres nang makausap namin sa taping ng My Destiny,wala siyang problema at pagod na pagod lang sa hectic schedule niya.
Nang ma-interview, hindi pa alam ni Carla kung paano magtatapos ang My Destiny nila ni Tom Rodriguez this Friday.
Sinagot lahat ni Carla ang tanong sa interview sa kanya, gaya ng hindi siya buntis. Mataba lang siya sa TV at wala siyang time mag-workout. Sorry, sa TomCar fans pero hindi pa sila ni Tom, nanliligaw pa rin ang aktor at wish ni Carla makalabas sila at makapag-date para makapag-usap.
Kapag nalibre na ang schedule, gusto ni Carla na maka-attend sa meeting ng mga abay ni Heart Evangelista. Gusto niyang mag-extend ng tulong bilang isa sa mga abay.
Hindi na rin sinagot ni Carla ang mga tanong tungkol kay Geoff Eigenmann para walang isyu. “I wouldn’t say we’re enemies, ang pangit ng concept na ‘yun. Hindi kami friends, hindi rin enemy ‘di lang kami close,” patungkol nito sa ex-BF.
Sa sinabi ni director Gina Alajar na okay sa kanyang madirek si Carla, pero kung mako-conscious lang ito, ‘wag na muna silang magkatrabaho. Sabi naman ni Carla, big honor sa kanya to work with Direk Gina, ibig sabihin, okay sa kanyang maging director ang ina ng ex-BF.
Arnold tinuruan si Michelle sa lampungan
Sabi ni Michelle Madrigal, may three love scenes sila ni Arnold Reyes sa Bacao, pero ang bilang naman ng aktor, four love scenes ang ginawa nila ng aktres. May ginawa sa maisan, sa banyo, sa kuwarto, at ‘yung isa, hindi niya maalala. Iyong sa maisan, takbuhan sila nang takbuhan kaya nagkasugat-sugat sila.
Sanay gumawa ng love scene si Arnold, kaya inalagaan niya si Michelle sa mga eksena nila para hindi ito madala kung gagawa pa ng another love scene. Bumilib si Arnold sa kapareha dahil mabilis nakapag-adjust from TV acting to doing Bacao.
First time magbida ni Arnold sa mainstream movie at kasama pa sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival at mapapanood in all SM Cinemas starting October 29 to November 4 sa direction ni Edgardo “Boy” Vinarao. Sa Oct. 20, ang premiere night ng Bacao sa SM Megamall at produced ng Oro De Siete Productions.
Kahit hindi pa, Fans ipinagkakalat na sold out na ang concert ni Julie Anne sa MOA
Hindi lang pala kakanta ng theme song sina Julie Anne San Jose at Abra ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 dahil kasama rin sila sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry kaya join sila sa pictorial. Ang description sa role ng dalawa ay kasama sila sa bubuo ng magiging armor ni Macoy (Dingdong Dantes) na lalaban sa mga kubot.
Samantala, nauna na si Regine Velasquez na i-promote ang Hologram concert ni Julie Anne sa SM MOA Arena sa December 13. Wala pang in-announce na guest, request ng fans ni Julie Anne, mag-guest si Regine at Elmo Magalona. Papayag naman siguro si Janine Gutierrez na mag-guest ang BF sa concert ng dating ka-love team.
May sasabihin pala kami sa fans ni Julie Anne, ‘wag ninyong sasabihing sold out na ang tiket sa concert dahil baka umatras ang mga gustong bumili ng tiket. Kahit totoong sold out ang VIP at General Admission seats, hindi dapat sinasabi. Marketing strategy ito at baka sa halip na makatulong ay makasira sa ticket sales.
Kuh may album na puro Ikaw
Tatapusin lang ni Kuh Ledesma ang taping ng My Destiny at balak niyang dalawin sa kulungan si Dennis Roldan. Naging close ang dalawa nang gumanap na mag-asawa sa serye na magtatapos ngayon. Nalulungkot siya sa nangyari kay Dennis na “good person” ang pagkakakilala niya.
Mami-miss ni Kuh ang taping at si Direk Joyce Bernal na mabilis magtrabaho. Hindi sila napupuyat, kailangan lang laging ready dahil ‘pag sinabi ni Direk Joyce na take na, take na ‘yun at walang urungan.
Samantala, isi-celebrate ni Kuh ang kanyang 35th anniversary next year at isang major concert ang kanyang gagawin. Siya rin ang scriptwriter at director ng concert, kaya paghahandaan niya ito nang husto.
Ibinalita rin ni Kuh na may tinatapos siyang album na puro may Ikaw ang lahat ng songs, all covers at walang original composition para sa kanya. Kasabay nito, may 2nd painting exhibit si Kuh titled Ikaw and all about flowers.