Magdyowa na raw talaga Paulo Avelino gwinardyahan si KC sa hospital

MANILA, Philippines - Alagang-alaga pala ni Paulo Avelino si KC Concepcion nang maospital ang aktres dahil sa dengue.

Sa Instagram post ni KC kahapon, pinasalamatan niya ang mga doctor at nurse na nag-alaga sa kanya sa hospital pero special mention ang aktor na naggigitara habang siya ay kumakanta sa hospital bed ang aktres.

Ayon kay KC, hindi raw siya pinabayaan ni Paulo nung panahong naospital siya.

Walang inaamin ang dalawa pero talaga raw magdyowa na sila.

Sabi pa nga ng isang source, nakikita raw pumupunta si KC sa condo unit ni Paulo.

Balik-taping na si KC ng Ikaw Lamang.

Cinemalaya gagawin na raw Cinemaynila

Malamang na magkaroon pala ng relaunching ang Cinemalaya and this time with a new name. Si Manila Mayor Joseph Estrada at Manila local government na ang magpi-finance dito dahil ayaw na raw umulit ng Department of Budget and Management (DBM) na pinamumunuan ni Sec. Butch Abad kung saan sila ang gumastos sa Cinemalaya this year matapos mag-withdraw ng support ang partner ni Gretchen Barretto na si Mr. Tony Boy Cojuangco.

Hindi pa naman daw nagko-commit si Erap pero malamang daw na maging CineMaynila Filmfest na lang ito.

May sariling market na ang Cinemalaya at talagang nakakapanghinayang kung hindi ito isasalba ni Erap. Tutal naman ay wala na ang dating Manila Film Festival na isinasabay noon sa celebration ng Araw ng Maynila.

Solenn sa Paris pakakasal

Kinuwento ni Solenn Heussaff na mas mauuna siyang pakasal kesa sa kapatid niyang si Erwan na boyfriend ni Anne Curtis. Hindi kasi mamatay-matay ang rumor na kesyo nakikiuso raw sina Anne at Erwan sa kasalan. Pero mabilis ang sagot ni Solenn na bata pa ang kapatid niya at wala siyang alam sa nasabing isyu.

“Si Erwan, 27 (years old) lang, bata pa siya, eh,” sabi ni Solenn sa presscon ng Ilustrado kahapon kung saan gaganap siya sa character ni Nelli Boustead na naging girlfriend ni Jose Rizal na ginagampanan naman ni Alden Richards.

Siya raw ay magti-30 na at kahit live in na sila ng Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico nanga­ngarap din naman siyang pakasal sila. In fact meron na nga raw siyang nasa isip kung sino ang gagawa ng gown niya kung sakali. Sa Paris, France din niya planong pakasal para nasa gitna ng Argentina at Paris kung saan nakabase ang kanilang pamilya bago siya nag-showbiz.

“Ngayon, parang naging trend, so ayoko ngayon,” sabi ng sexy actress.

Pero wish niya two to three years from now na magka-baby na siya.  “Wala namang age limit, pero sana ‘yung first baby, like 32,” kumpirma niya.

At kung open siya tungkol sa pagpapakasal sa boyfriend, ayaw naman niyang masyadong sumagot sa pagdadawit sa pangalan niya sa kontrobersiya ng first love niyang si Derek Ramsay. In the first place hindi naman daw niya alam na may asawa ang ex noon kaya wala siya sa posisyon na magsalita pa.

Anyway, magsisimulang umere ang Bayani-serye ng GMA 7 sa Lunes.

Vice balik-Showtime na

Balik-Showtime si Vice Ganda sa Sabado. Ilang araw din siyang absent dahil sa lagnat at LBM.

Magsisilbi siyang hurado kung saan muling magpapakitang gilas ang 58 na semi-finalists ng Gandang Lalake beauty pageant ng programa para makapasok sa grand finals sa Sabado.

Napatunayan na nilang karapat-dapat silang tularan, kaya naman kasalukuyang sinasala ang 58 finalists simula noong nakaraang linggo  pagdating naman sa lakas ng dating at pagalingan ng pagsagot sa question-and-answer portion. Mula sa mga agaw-eksenang trabahandle na nakikita sa segment, ang mga semi-finalist na ngayon ang may hawak ng salita o grupo ng mga salita na siyang magsisilbing sagot nila at ipapaliwanag sa loob ng 30 segundo.

Saklaw ang iba’t ibang propesyon sa semi-finals ng Gandang Lalake, kung saan kasama ang isang financial advisor, minero, tricycle driver, marketing agent, engineer, flight attendant, waiter, konduktor, service crew, barber, call center agent, at DJ.

Sa grand finals ngayong Sabado, tanging ang top 15 finalists na lang ang magkakaroon ng pagkakataong ipamalas ang kanilang talento at porma sa pamamagitan ng formal wear competition. Sino kaya sa kanila ang tatanghaling Gandang Lalake grand winner at magwawagi ng P300,000?

 

Show comments