Pangarap noon pa Gretchen mag-aaral ng theater singing sa London
MANILA, Philippines - Itinuturing nang isa sa mga pinakamagaling na aktres si Gretchen Barretto pero meron pa raw siyang gustong ma-achieve sa kanyang karera, at ito ay ang pagkanta sa musical theater.
“Babalik ako sa London pagkatapos kong magtrabaho. Gusto kong mag-train ng theater singing,” pagbabahagi niya kay Anthony Taberna sa Tapatan ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Oktubre 16).
“Pangarap ko na ‘yon simula siyempre noong bata ako. Alam kong gustung-gusto ko siya. Kailangan ko lang talaga ng determinasyon kaya ngayon naramdaman ko na lang na kapag nakabalik ako sa London, magte-theater singing ako. At pagkatapos noon, sana magka-album ako ulit, isang musical album,” dagdag ni Gretchen. Nakagawa na ng dalawang album si Gretchen, isa noong 2008 na pinamagatang Unexpected at isa naman noong 2009 na Complicated.
Ngunit bago pa man lumipad papuntang London, abala ngayon ang 44 anyos na aktres sa pagpo-promote ng pelikulang The Trial, kung saan gumaganap siya bilang isang developmental psychologist na tumutulong sa isang may kapansanan sa pag-iisip na inakusahan ng panggagahasa na ginampanan naman ni John Lloyd Cruz.
Hindi raw nagdalawang isip si Gretchen na tanggapin ang papel niya sa naturang pelikula dahil nakita niya ang saysay ng kwento nito. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na unang nakilala si Gretchen sa mga daring na pelikula noong dekada ‘80 at ‘90.
“Pakiramdam ko dapat makabawi ako rito sa industriya. Binigyan ako ng pagkakataon ng ABS-CBN na gawin ‘yon. Sa palagay ko, sa mga nagdaang pito o anim na taon, maganda ang tinatahak ko kung career ang pag-uusapan,” sabi ni Gretchen.
Si Dawn Zulueta ang unang choice sa nasabing role ni Gretchen sa The Trial.
Yan ang smile pinalalawak ni Marian
Dinumog sa Tacloban si Marian Rivera kahapon sa ginanap na Kapuso Fans Day sa Robinson’s Place Tacloban.
Kumanta at sumayaw na naman si Marian at ibinahagi ng aktres ang pinakabago niyang advocacy na Yan ang Smile kasunod ng katatapos lamang na Kapuso Adopt-a-Bangka Campaign.
Sa pakikipagtulungan sa international children’s charity group na Smile Train, layunin ng Yan Ang Smile na tulungang ibalik ang ngiti ng mga taong may cleft lip o cleft palate sa pamamagitan ng libreng operasyon.
“Nakilala kasi ako bilang masiyahin, bungisngis, at palangiting tao. Kaya ko rin naisipang gumawa ng advocacy na gaya nito dahil gusto kong maranasan ng iba ‘yung pakiramdam na nakakangiti at nakakatawa nang walang pinoproblema,” pahayag ni Marian.
Anne galing sa libro ang susunod na pelikula
Galing sa libro ni sikat na local author na si Bobby Ong ang next movie ni Anne Curtis sa Viva Films, Lumayo Ka Nga Sa Akin: The Movie.
Kasalukuyang abala si Anne sa promo ng kanyang kauna-uanahang Hollywood film, ang Blood Ransom kasama ang actor na si Alexander Dreymon.
Last movie ni Anne na ipinalabas ay ang The Gifted kung saan pinuri ang acting niya kasama si Cristine Reyes and Derek Ramsay.
Si Ong din ang author ng ABNKKBSNPLAko?! na ginawa ring pelikula ng Viva Films kung saan bida si Jericho Rosales.
Anyway, palabas na sa bansa October 29 ang Blood Ransom at October 31 sa America.
- Latest