Sana Bukas... nina Bea at Paulo, pumalo sa pinakamataas na ratings
MANILA, Philippines – Pumalo sa pinakamataas nitong national TV rating ang malapelikulang primetime drama series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa finale episode nito noong Biyernes (Oktubre 10).
Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media kung saan pumalo ang finale episode ng seryeng pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa pinakamataas nitong nakuhang national TV rating mula nang magsimulang umere noong Hunyo. Humataw ito ng national TV rating na 27.3%, o 13 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa.
Bukod sa TV ratings, panalo rin ang huling episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa social networking sites tulad ng Twitter, kung saan naging worldwide trending topic ang official hashtag ng palabas na #SBPAK1Self dahil sa buhos ng mga positibong reaksyon ng netizes kaugnay ng pagtatapos ng teleserye.
Sa finale nasaksihan ng buong bayan ang pagkamit ni Rose (Bea) ng hustisya para sa pagkamatay ng kanyang ama na si Henry (Chinggoy Alonzo) at ng abogadang si Emmanuelle (ginampanan din ni Bea). Nakamit niya rin ang panibagong simula ng pamilya nila ng asawang si Patrick (Paulo).
- Latest