Team Travel Buddies ng Davao, unang natsugi sa TARP 2

MANILA, Philippines – Sina Zarah Evangelista at Osang Dela Rosa, team Travel Buddies mula Davao, ang unang natanggal sa karera ng The Amazing Race Philippines 2 (TARP 2) sa TV5.

Sa naging episode noong nakaraang Sabado, hindi inaasahang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya naman napasugod ang 11 racers sa baha-bahang mga kalye ng Metro Manila upang marating ang first pit stop ng karera: ang Manila Central Post Office. Ang TV5 princess na si Jasmine Curtis Smith ang kasama ng race master na si Derek Ramsay na sumalubong sa mga racers. Unang dumating ang team Nerds na sina Vince Yu at Ed Manguan na sinundan naman nina team Magkapatid Jet at Yna Cruz, team Dating Couple Matt Edwards at Phoebe Walker at team Pinay World Champs Luz McClitton at Gretchen Albaniel. Pang limang dumating ang team Mag-ama AJ and Jody Saliba, na sinundan nina team Mr. Pogi Kelvin Engles and JP Duray, team Chefs Eji Estillore and Roch Hernandez, and team Blondes Tina and Avy Wells. Nakapasok pa rin sina team Juan D Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh, at team Sexy Besties Jeck Maierhofer at RR Enriquez kahit medyo nahuli sila sa pangsiyam at pang-sampung spots. Huling nakarating ang team Travel Buddies, na siyang naging ikinalaglag nila sa race.

Bago sila tuluyang magpaalam, ikwinento nina Zarah at Osang kung paanong bago ang karera, pupunta sana silang Libya. Pakiramdam daw nila, plano talaga ng Diyos na maging parte sila ng TARP 2.

Sa hiwalay na interview, sinabi ng team Travel Buddies na marami silang natutunan sa TARP 2. “Hindi mo talaga maaasahan kung ano yung magiging challenge, e. Sobrang iba siya from previous seasons, here or abroad. You really have to stay focused and prepare for the worst,” sabi ni Zarah na siyang introvert sa kanilang dalawa.

Matapos matanggal sa karera, itutuloy nila ang kanilang pangarap na ma­ging ganap na mga plus-sized models.

“Talagang maraming opportunities na dala sa amin ang TARP. Maraming nagsasabi na mag-try kaming magpasa ng mga VTR at pumunta sa mga go-sees, kumausap ng mga designers,” ayon kay Osang.

Ngayong katulad na sila ng lahat na walang alam kung ano ang kalalabasan ng karera, meron na rin daw silang napupusuan na mananalo sa TARP 2.

“Gusto namin manalo yung team Nerds (Vince at Ed). Kasi feeling namin na sa lahat ng mga racers, sila yung pinaka-katulad namin. Hindi sila fit, pero utak ‘yung ginagamit nila. Sila din yung pinaka-naging close sa amin,” dagdag nila.

Samantala, tuloy ang action-packed adventure at real-life drama ngayong linggo sa The Amazing Race Philippines 2. Ngayong sampu na lamang sila sa karera, makakaranas sila ng mas matitindi pang mga challenges na tiyak na magdadala sa kanila ng sakit ng katawan. Mula sa pit stop sa Post Office, susugod ang mga team papuntang timog para harapin ang mga tasks na susubok sa kanilang teamwork, strategy, at maging sa kanilang mga pagsasama.

May isang team na magkakaroon ng penalty, at may isang team naman na maaring tuluyang masira ang pagkakaibigan. Bukod sa 10 milyong mga papremyong hatid ng PLDT Home Telpad, RCD Royal Homes at Kia Motors, paglalabanan ng mga teams ang PHP 200,000.00 pisong pit stop prize hatid ng Shell V Power Nitro Plus.

Mapapanood ang TARP Lunes hanggang Biyernes, 7:00 p.m. at tuwing weekend, 9:00 p.m. sa TV5.

Show comments