Tuloy ang ‘giyera’, Marian at Heart pareho na rin ang mga ninong
Hindi dapat intrigahin ang mga desisyon nina Marian Rivera at Heart Evangelista na kunin bilang mga ninong sa kasal sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit.
May karapatan sina Heart at Marian na imbitahan bilang mga principal sponsor sina Papa Henry (nickname ni Atty. Gozon) at Papa Jimmy dahil ito ang mga bossing namin sa GMA-7. Normal at hindi dapat intrigahin o pagkumparahin ang mga ginawa nila.
Kung magpapakasal ako, tiyak na kukunin ko rin na mga ninong sina Papa Henry at Papa Jimmy dahil karangalan na maging mga second father ko sila at tiyak na ganito rin ang katwiran nina Heart at Marian.
Pero malabo na maging ninong ko sa kasal ang mga big boss ng GMA-7 dahil walang-wala sa isip ko na magpakasal uli. At papaano ako magpapakasal eh wala akong lovelife at boyfriend?
Ikalawang bridal shower ni Marian kasado na
Malapit na ang second bridal shower para kay Marian Rivera pero hindi muna ako magbibigay ng detalye.
Ipapaubaya ko kay Marian ang pagkukuwento tungkol sa second bridal shower na ibibigay ng kanyang close friends at mangyayari very soon.
Isang clue ang ibibigay ko, somewhere in Taguig ang bridal shower at hindi sa Hong Kong na venue ng unang bridal shower ng future Mrs. Dingdong Dantes.
At bilang sa Metro Manila lang ang venue, tiyak na makakadalo na ang mga close friend ni Marian na hindi naka-join sa Hong Kong trip.
Ang second bridal shower ang isa sa maraming bridal showers para kay Marian at ito ‘yung ikinuwento ni Dingdong Dantes sa send-off party sa kanya ng GMA-7 noong October 6.
Derek sinagot ng Bible verse ang dakdak ng dating asawa
No comment si Derek Ramsay tungkol sa plano ni Mary Christine Jolly na ilipat sa Department of Justice mula sa Makati Prosecutor’s Office ang kaso na isinampa laban sa kanya.
Imbes na mag-comment, ang Bible verse ng Psalm 7:13 ang statement ni Derek, ang “Lord, you’ve given a command to save me because you are my rock and my fortress.”
Bunso ni Ogie kay Michelle may ugaling pinoy pa rin
Nag-bonding sa Hong Kong si Ogie Alcasid at ang kanyang anak na si Sarah.
Bumisita sa Pilipinas si Sarah at ang kanyang madir na si Michelle Van Eimeren kaya nakapag-guest ito sa cooking show ni Regine Velasquez na Sarap Diva.
Si Sarah ang youngest daughter nina Ogie at Michelle. Bata pa si Sarah at ang kanyang kapatid na si Leila nang dalhin sila ni Michelle sa Australia. At kahit hindi sila dito lumaki, hindi pa nila nakakalimutan ang mga ugaling Pinoy.
Matunog na lola pa rin ang tawag ni Sarah sa nanay ni Ogie na na-miss nang husto ang kanyang mga apo.
Nag-enjoy si Michelle sa brief vacation nila ni Sarah sa Pilipinas dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makita ang kanyang Pinoy friends gaya ni Gelli de Belen. Best of friends ang dalawa na dating magkapit-bahay sa Cubao, Quezon City.
The Trial ni Direk Chito hindi ako mapapahiya sa pag-promote
Directed by Chito Roño ang The Trial na showing ngayon sa mga sinehan at bilang kaibigan ko siya, inirerekomenda ko sa lahat na suportahan ang kanyang bagong project.
Matagal ko nang kilala si Chito at subok na subok na ang husay niya bilang direktor kaya hindi ako mapapahiya sa encouragement ko sa moviegoers na panoorin ang The Trial.
- Latest