^

PSN Showbiz

ABS-CBN panalo ng People’s Choice Stevie Award for Media & Entertainment

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwagi ang ABS-CBN ng People’s Choice Stevie Award for Favorite Company sa Media & Entertainment category matapos nitong makuha ang Gold Stevie Award sa parehong kategorya sa prestihiyosong International Business Awards sa Paris, France kamakailan.

Ang ABS-CBN ang nag-iisang Philippine media company na kinilala ng awards competition na siya ring nakatanggap ng pinakamaraming online votes laban sa ibang Stevie winners sa nasabing kategorya.

Pinarangalan ang ABS-CBN ng Gold Stevie Award para sa mga tagumpay nito noong nakaraang taon. Tinanggap ng Kapamilya network ang parehong Gold Stevie at People’s Choice Stevie Awards sa isang banquet sa Paris, France kamakailan.

Higit sa 23,000 na boto ang natanggap ngayong taon ng People’s Choice Stevie Awards for Favorite Companies, na baha­gi ng International Business Awards, ang nangungunang bu­si­ness awards program sa buong mundo. Pasok ang lahat ng organisasyong nagwagi sa Company of the Year categories ng IBAs sa botohan ng People’s Choice Stevie Awards for Favo­rite Companies.

Noong Mayo naman, nauna nang pi­narangalan ang ABS-CBN ng Grand Stevie Award sa Asia-Pacific Stevie Awards bilang ang kaisa-isang kumpanya mula sa Pilipinas na nakuha ang pinakamataas na parangal na iginawad sa limang bansa sa Asia-Pacific region. Nagwagi rin ito ng Gold Stevie Award sa Services Company of the Year, habang pinarangalan namang Woman of the Year ang ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio para sa lahat ng mga bansa sa Asia-Pacific (maliban sa Australia at South Korea).

 

ASIA-PACIFIC

ASIA-PACIFIC STEVIE AWARDS

AWARDS

CHARO SANTOS-CONCIO

CHOICE STEVIE AWARD

CHOICE STEVIE AWARDS

GOLD STEVIE AWARD

INTERNATIONAL BUSINESS AWARDS

STEVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with