Alden madalas nagtsi-check in sa mga motel!

Nakakatuwa ang sayang nakita namin kay Alden Richards nang ibalitang nakataas na ang billboard ng Ilustrado sa GMA Main Building. Parang nabale-wala ang pagod at puyat na naramdaman niya dahil one week na siyang naglalagare sa taping ng Bayani Serye at regional show ng Bet ng Ba­yan (BNB). Ang request lang nito sa staff, makaligo muna bago mag-report sa taping at pinapayagan naman siya.

That Sunday, kagagaling niya sa Cagayan de Oro para sa BNB at tumuloy sa taping ng Ilustrado na magpi-premiere sa October 20. One week nang hindi nakakauwi sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna si Alden. Sa hotels siya natutulog at hindi magugulat kung matsismis siyang nagtsi-check in dahil totoo.

Kahit nagbibida na, biggest project kung ituring ni Alden ang Ilustrado dahil tungkol ito sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Siya ang napili sa role at hindi na nag-audition, kaya napaiyak nang mapanood for the first time ang playback na raw material pa lang. Nakita niya ang laki ng scope ng project.

Dahil sa Ilustrado, mas nakilala ni Alden si Rizal, totoo raw palang babaero ito, may vices, pero ipakikita rin ang bigat ng naging buhay nito at sacrifices na ginawa para sa bansa.

Si King Marc Baco ang director ng Ilustrado na director din ng Katipunan.

Kylie gustong manampal

Nag-audition naman si Kylie Padilla para sa role ni Leonor Rivera sa Ilustrado. May  mga  nakasabay siyang nag-audition, pero sinuwerte siyang mapili. Bago mag-taping, nanood siya ng video at nag-research kay Leonor Rivera at Dr. Jose Rizal. Pinaitim si Kylie at nagsusuot ng makapal na costume, lumang Tagalog ang script at feeling naman niya, nagawa niya nang tama ang trabaho niya dahil kapag hindi happy ang director sa eksena, nagti-take two sila.

Nakilala ni Kylie si Leonor bilang strong-willed woman, nag-iisip at nagtatanong kung bakit kailangang gawin ang isang bagay na ipinagagawa sa kanya.

Anyway, happy si Kylie sa mga project na ginagawa niya dahil magkakaiba ang scope at pati role ay magkakalayo. Ang Ilustrado ay historical drama, ang Dilim ay horror movie niya sa Regal Entertainment na showing naman sa Oct. 22.

Ang next role na gustong gampanan ni Kylie ay kontrabida at gusto niyang manampal.

Carla may mabigat na pinagdaraanan

Magtatapos na sa Friday ang My Destiny at umaasa ang TomCar fans nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na matutuwa sila sa ending ng love story ng dalawa. Sana raw masabayan nina Matteo at Grace (karakter ng dalawa) ang nangyayari sa tunay na buhay kina Tom at Carla na masayang nagliligawan.

Napapansin pala namin sa Instagram (IG) ni Carla na tila may mabigat si­yang pinagdaraanan ngayon. Wala itong binabanggit kung ano, basta nagpo-post lang ng quotations at verses na nagpapa-worry sa kanyang fans.

Minsan nag-post si Carla ng “Lord, help me” at “I can do this, I just have to stay positive and keep reminding myself  what this is all for.”

Parang sumaya lang si Carla nang may magpadala ng boquet of flowers na feeling ng fans ay galing kay Tom. 

Miriam balik na sa pag-arte

Back to TV acting si Miriam Quiambao dahil kasama siya sa cast ng GMA-7 new soap na Se­cond Chances. Hindi lang sinabi ang role niya, basta excited daw siya sa karakter na gagampanan.

Bida ng Second Chances sina Raymart Santiago, Jennylyn Mercado, Rafael Rosell, at Camille Prats at may special participation si Luis Alandy bilang husband ni Jennylyn.

Show comments