Mag-amang Gary V at Gab, magpapasaya sa Guam kasama sina Cacai at Aiza

MANILA, Philippines - Sa ika-20 na selebrasyon ng The Fipilino Channel (TFC) sa pagbibigay serbisyo publiko sa mga Pinoy saan man sa mundo, hatid ng premier Filipino network ang isa na namang makabuluhang pagsa­sama-sama na alinsunod sa tema ng anibersaryo ng TFC na ‘Galing ng Filipino’ at sa isang katangian ng mga Filipino — ang ‘‘kabutihan’’. Bilang parte ng year-long celebration ng anibersaryo ng premier network na nagsimula noong Abril, handa na ang isang mahalagang event for a cause bilang pasasalamat sa bansang Guam, ang Galing ng Filipino: A TFC 20 Celebration na magaganap sa November 8,  Sabado sa University of Guam Fieldhouse.

Papasinayaan ang selebrasyon sa Guam ng TFC 20th year anniversary Ambassador at Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama ang kanyang anak at Super Selfie YouTube sensation na si Gab Valenciano, at ang singer-songwriter sessionista na si Aiza Seguerra. Makakama rin sa kasiyahan ang host, singer, at komedyanteng si Cacai Bautista.

Ang makasaysayang event ay magaganap sa pakikipagtulungan ng Edward M. Calvo (EMC) Cancer Foundation. Ang foundation, na nagse-celebrate rin ng kanilang anibersaryo, ang kanilang ika-sampung taon ng serbisyo, ay matagal nang nagbibigay tulong pinansyal at emosyunal sa libu-libong pasyente na nilalabanan ang sakit na cancer. Ang EMC na naniniwala na ‘‘Guam is Good’’ ay tumutulong sa sinumang may karamdaman na cancer kahit ano pa man ang edad, kasarian, lahi, o socioeconomic status sa pama­magitan ng iba’t ibang emotional at physical therapy sessions sa mga community outreach programs.

Isinaad naman ni ABS-CBN Asia Pacific Mana­ging Director Eilene Ailene Averion  na sa nakalipas na 20 years ng pagsasahimpapawid ng TFC, malaki ang naitulong ng network sa pagkakaroon ng mata­tag at solidong relasyon sa pagitan ng mga Filipino at iba’t ibang komunidad sa mga tinagurian ng second homes ng mga overseas Filipinos.

 

Show comments