MANILA, Philippines - Isisiwalat ni Julius Babao sa Bistado ngayong Lunes (Okt 13) ang diskarte ng Gapos Gang, isang grupo ng mga magnanakaw na nanloloob sa mga kabahayan pagkatapos ay binubusalan ang bibig ng biktima at itinitali pa ang mga kamay at paa nito upang malaya silang makapanglimas ng pera, alahas, at iba pang gamit. Pinaniniwalaang masusing tinitiktikan ng grupo ang mapipili nitong biktima.
Kadalasang sa mga malalaking bahay sa matatahimik na lugar sumasalakay ang mga kawatang ito. Paano makakaiwas sa pagsalakay ng grupo? O kung sakaling mabiktima, anu-ano ang nararapat gawin? Huwag palampasin ang Bistado, ang katuwang ng pamilya sa seguridad at proteksyon, ngayong Lunes (Oktubre 13), 4:30 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa karagdagang updates, sundan lamang ang mga social media account ng programa na www.Twitter.com/BistadoTV at www.Facebook/BistadoTV. Para naman sa mga reklamo at sumbong, maaari itong idulog sa hotline na 414-2539 o i-text ang Bistado(space)(message) at i-send sa 2327 para sa Globe subscribers at sa 09178902327 para sa ibang network.