Sure nang magiging maganda ang future sa basketball ni Kobe Paras dahil tinanggap nito ang alok na scholarship ng UCLA Bruin.
Malaki na ang tsansa ni Kobe na maging NBA player at masundan ang yapak ng mga sikat na basketball player na produkto ng UCLA gaya ni Kareem Abdul-Jabbar.
Proud father si Benjie Paras sa magandang nangyayari sa basketball career ng kanyang anak na malabo nang maging artista dahil ang pag-aaral sa Amerika at basketball ang kanyang mga top priority.
Megan hindi nakalimot sa utility man
Tuwang-tuwa kay Megan Young ang utility guy namin sa Startalk dahil hindi pa rin siya nagbabago.
Si Megan pa ang unang pumansin sa utility guy na si Wally at sa bagong dentures nito.
Touched na touched si Wally dahil natatandaan pa rin siya ni Megan na hindi raw nagbago kahit Miss World na.
Tawag nang tawag si Mikael Daez sa cellphone ni Megan pagkatapos ng guesting nito sa Startalk noong Sabado.
Na-excite kaya si Mikael dahil tinanong ko si Megan tungkol sa kanilang relasyon?
Hindi inaasahan ni Megan na magtatanong ako ng personal sa kanya kaya naloka siya nang usisain ko ang love affair nila ni Mikael.
Naging long-distance ang love affair ng dalawa nang mag-win si Megan bilang Miss World pero naging faithful sila sa isa’t-isa.
Maliban kay Megan, wala nang ibang na-link na babae kay Mikael dahil tanggap ng fans na para sa TV lang ang loveteam nila ni Andrea Torres, ang love interest niya sa Ang Lihim Ni Annasandra.
Maynila binaha na naman
Bumuhos na naman ang malakas na ulan kahapon kaya natakot ako na manood ng TV dahil sa mga kulog at kidlat.
Mabuti na lang, walang pasok kahapon or else, marami uli ang magdurusa dahil bumaha sa maraming lugar sa Metro Manila at nagpasikip sa daloy ng trapiko.
As usual, naging masipag sa pagbibigay ng mga update si Manila City Vice-Mayor Isko Moreno. Naglabas si Isko ng mga picture ng mga lugar sa Maynila na binaha para maiwasan ito ng mga motorista.
Aktor sa orig na yagit nahanap ng GMA
Jirvy dela Cruz ang name ng dating child star na napanood sa Yagit noong dekada ‘80.
Nahanap ng production staff ng Yagit si Jirvy kaya ka-join siya sa bagong afternoon teleserye ng GMA-7.
Hindi dumalo si Jirvy sa presscon ng Yagit kaya maliban sa pagiging cast member ng original show, walang alam tungkol sa kanya ang mga entertainment reporter.
Kung umapir si Jirvy sa presscon ng Yagit, pagkakataon na sana niya na muling ipakilala ang sarili sa showbiz press.
Ngayong hapon ang pilot telecast ng Yagit na mula sa direksyon ni Gina Alajar.
Si Gina rin ang pumili sa mga bagets na magbibida sa remake ng Yagit.
Sa mga hindi nakakaalam, nagkaroon si Gina ng acting career nang mag-join siya sa audition noon para sa mga bata na magbibida sa pelikula na Kaibigan Ko ang Sto. Niño.
Bata pa lang, marunong nang umarte si Gina kaya nakapasa siya sa audition, naging artista at umani ng mga parangal bilang mahusay na aktres. Therefore, may karapatan siya na pumili at piliin ang mga bagets na starring sa Yagit.