^

PSN Showbiz

Princess Sarah at Marcelino, magbabalik tuwing umaga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magbabalik ang cartoon classics na Princess Sarah at Marcelino Pan Y Vino tuwing umaga simula Lunes (Oct 13) sa bagong Umaganda ng ABS-CBN.

Ang mga kwentong minahal at kinapulutan ng aral noong dekada 90s, mapapanood na rin ng bagong henerasyon ng mga kabataan.

Kung trending sa social media ngayon ang mga patatas ni Sarah, tiyak magiging trending din sa puso ng mga chikiting ang makulay na kwento ng tinaguriang munting prinsesa sa telebisyon.

Balikan ang kwento ni Sarah Crewe, isang batang babaeng matapos maghirap dala ng pagyao ng ama ay ma­ninilbihan na lang sa pa­aralang kanyang pi­na­­pasukan. Sa kabila ng mga hamon at pagma­malupit sa kanya ni Miss Minchin at ni Lavinia ay haharapin niya pa rin ang buhay ng may bu­silak na puso at pagmamahal sa kapwa.

Samantala, muli na­mang samahan si Marcelino sa kanyang pag­hahanap sa kanyang tunay na ina. Na­iiba ang adventure ni Marcelino dahil sa kan­yang espesyal na ka­kayahang kumausap ng mga hayop, at maging si Hesus ay nakakasama at nakakausap rin niya.

Mapapanood ang Prin­cess Sarah, 9:25 AM, at Marcelino Pan Y Vino, 9:45 AM, sa ba­gong Umaganda ng ABS-CBN.

BALIKAN

HESUS

MARCELINO

MARCELINO PAN Y VINO

MISS MINCHIN

PRINCESS SARAH

SARAH CREWE

SHY

UMAGANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with