Ang Dubai-based Filipino international fashion designer na si Michael Cinco ang gagawa ng wedding gown ni Marian Rivera habang si Francis Libiran naman ang gagawa ng wedding reception gown ng magiging misis ni Dingdong Dantes. May ikatlo pang designer, si Vania Romoff.
Since once-in a blue moon lamang mangyari ang pagpapakasal ni Marian, gusto niya na itong bigyan ng napakaganda at espesyal na preparasyon sa lahat ng aspeto at kasama na rito ang gowns na kanyang isusuot. Ang hindi pa namin alam ay kung saan niya isusuot ang design ni Vania Romoff.
Although malapit na ang kasal nila ni Dingdong, hindi pa rin kinakaligtaan ni Marian ang iba niyang mga commitment tulad ng kanyang weekly dance show na Marian, product endorsements at maging ang pagiging segment host ng Eat Bulaga sa Juan for All and All for Juan kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.
Kahit nakuha na ang lahat, Anne naghahangad makasali sa singing contest
Walang alinlangan na narating na ni Anne Curtis ang peak ng kanyang career pero hindi nito ikinakaila na marami pa siyang pangarap na gawin at abutin.
Sa presscon ng kanyang first international movie na Blood Ransom kung saan niya kapareha ang Hollywood actor na si Alexander Dreymon, walang kagatul-gatol na inamin ni Anne na gusto umano niyang sumali sa The Voice singing competition kahit hindi umano umikot ang apat na voice coaches sa kanilang upuan.
Alam at tanggap ni Anne na hindi siya biniyayaan ng magandang boses pero sa kabila nito ay napuno niya ang Araneta Coliseum sa kanyang dalawang major concert na nadala pa niya sa iba’t ibang bansa.
Ano kaya’t gawing guest contestant si Anne ng The Voice Philippines? Tiyak na maraming maaaliw sa kakaibang talent na ipapamalas ni Anne sa larangan ng pagkanta.
Samantala, excited na si Anne na mapapanood na sa Pilipinas at sa North America ang kanyang first international indie movie na Blood Ramson opposite Germany-born actor Alexander Dreymon.
Drey admits na willing siyang gumawa ng pelikula sa Pilipinas and working with local actors and production people kung mabibigyan siya ng magandang proyekto.
Maganda ang first impression ng Hollywood actor sa kanyang first visit sa Pilipinas na hinding-hindi niya makakalimutan dahil sa pagiging warm at hospitable bukod pa siyempre sa pagkaing balut na sobra niyang nagustuhan. Isa umano ito sa kanyang hahanap-hanapin sa kanyang pagbabalik sa America.
Kahit sa Germany ipinanganak si Alexander, sa France naman siya lumaki bago siya nag-move sa Amerika.
He appeared in Ryan Murphy series na American Horror Story at nakatakda niyang pagbidahan ang historical epic na The Last Kingdom ng BBC America.