May shooting this Saturday si Kris Aquino ng Metro Manila Film Festival o MMFF entry niyang Feng Shui sa direction ni Chito Roño. Marami pang nagsu-shooting na MMFF entry, kaya habol pa sa filmfest ang Star Cinema movie.
Samantala, nakausap si Kris ng isang kaibigang reporter kamakailan at kinumusta nito ang lovelife ng TV host-actress. Mabilis daw ang sagot ni Kris na wala muna siyang lovelife ngayon dahil magpapatayo muna ng bahay.
Ang tinutukoy na ipatatayong bahay ni Kris ay doon sa nabili niyang lote sa may Laguna at kung saan, may space para sa matagal na niyang ipinangakong swimming pool sa mga anak na sina Josh at Bimby. Kaya habang ginagawa ang bahay, dito ang focus niya, hindi sa lovelife.
Nakakatuwa si Kris Bernal dahil hindi mahintay na tuksuhin siya ng press na kinikilig siya kay Dennis Trillo lalo na sa mga eksenang magkasama sila sa Hiram na Alaala. Siya na ang nag-a-announce na kinikilig siya sa kapareha sa hashtag na ginamit nang i-post ang picture sa Instagram (IG) na kasama sa eksena ng serye.
Ang hashtag ni Kris sa caption na “Hi DT” sa picture nila ng aktor sa loob ng car ay #itagoangkilig #wagmagpahalata #bawalnega at #maliitnabagay. Biniro tuloy si Kris ng followers niya na baka hindi siya makatulog at baka ma-hyperventilate siya sa sobrang kilig ngayong mga eksena naman nila ni Dennis ang kinukunan.
Hindi one sided ang paghanga ni Kris kay Dennis dahil nabanggit ng aktor na mahusay na aktres ang kapareha, mabilis umiyak at parang gripo ang mga mata na hindi nauubusan ng luha.
Hollywood actor na si Alexander Dreymon nadiskubre kung gaano kasikat si Anne
Sa poster pa lang, alam na agad na hindi love story at rom-com ang Blood Ransom na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Hollywood actor Alexander Dreymon dahil in bloody red ang poster. Idagdag pa ang blurb ng movie na “Love Live in Darkness,” may clue na kung anong klaseng movie ito.
Anyway, sa mall show ng Blood Ransom kahapon sa Trinoma, nakita tiyak ni Alexander Dreymon kung gaano kalaking artista ng bansa si Anne sa rami nang nagsigawang fans nang lumabas ang aktres. Nakita rin siguro nito ang maraming billboards ni Anne endorsing different products.
Showing sa October 29, ang Blood Ransom ng Tectonic Films and directed by Francis dela Torre. Nabanggit ni Anne na may ilang Fil-Am actor siyang kasama sa movie at narito rin si Suzette Ranillo.
Alden mga higante ang trabaho sa GMA
Ang laki pala ng cast ng Bayani Serye ng GMA 7 na Ilustrado na may premiere sa October 20. Bukod kay Alden Richards na gaganap sa role ni Dr. Jose Rizal, narito rin sina Kylie Padilla as Leonor Rivera at Solenn Heussaff as Nellie Bousted (hindi siya si Josephine Bracken).
Kasama rin sina Eula Valdez, Freddie Webb, at Jaclyn Jose. May Marco Alcaraz pa, Polo Ravales at JC Tiuseco sa role ni Antonio Luna.
May rasong maging honored at proud si Alden na sa kanya ibinigay ang very important project na ito ng GMA-7. Hindi pa alam kung saang time slot ilalagay ang Ilustado, pero primetime ito.
Starting Oct. 20, dalawa ang exposure ni Alden sa primetime dahil host siya ng Bet ng Bayan at aarte sa Bayani Serye.
Cris matagal nang gustong maging bad
Walang takot magkontrabida si Cris Villonco sa Ang Lihim ni Annasandra. Nang ibalita sa kanya ng manager niyang si Girlie Rodis na kinukuha niya sa role ng kontrabida ni Andrea Torres, “yes” agad ang sagot niya. Wala pang storycon at hindi pa niya alam ang karakter niya at kung gaano siya ka-bad dito, tinaggap na niya ang project.
Matagal nang gustong masama sa teleserye si Cris para malaman ng tao na hindi lang siya pang-stage at hindi puro English speaking role ang kayang gawin.