Dading mamamaalam na!
MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes (Oktubre 10) nakatakdang magtapos ang top-rating Kapuso Afternoon prime drama series na Dading.
Sa isang panayam, ibinahagi ng lead actor ng serye na si Gabby Eigenmann ang kanyang kasiyahan sa mataas na ratings at mainit na pagtanggap ng viewers sa programa, “It’s my first time to play a gay role na ganito kahaba tapos tinangkilik. Ang sarap ng feeling ng ganun especially when you hear people telling you how much they were touched by the show.”
Talagang sinubaybayan ng mga manonood ang programa lalo na ang tandem nina Gabby at Gardo Versoza. Kahit sa mall at regional shows ay may mga tumatawag sa kanila na Dading o Mareshki. “Gardo and I clicked right away, sobra kaming nag-enjoy sa mga role namin at never din naman kaming nagsapawan pagdating sa mga eksena. May times na kapag nasa mall ako with my family may lalapit sa akin tatanungin kung bading daw ba talaga ko o minsan naman may tumawag sa akin na ‘Si Dading, si Dading..bakla na siya!’”
Sa pagganap ni Gabby bilang Carding, tumayong ama sa anak ni Beth (Glaiza de Castro), ay mas tumaas pa ang tingin niya sa mga gay people. “Actually, sinabi ko na ‘to dati that they have the softest heart. It’s no wonder why people enjoy being with them kasi nga aside from nagpapatawa sila, pagdating sa serious na usapan, they know well,” dagdag ng aktor.
Sa pagtatapos ng Dading, pakinggan pa kaya ni Carding ang payo ni Lexi (Gardo) na tigilan na niya ang pagmamatigas kay Precious (Zarah Mae Deligero)? Magkaroon pa kaya ng pagkakataon na magkaayos sina Carding, Beth, Joemer (Benjamin Alves), at Celine (Chynna Ortaleza)?
Hindi dapat palampasin ang mga kapana-panabik na mga eksena sa Dading pagkatapos ng The Half Sisters sa Afternoon prime block ng GMA.
- Latest