PIK: Nagkaroon ng signing ng Memorandum of Understanding ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council na ginanap sa Camp Emilio Aguinaldo nung nakaraang linggo.
Isa ito sa highlights ng project ng MTRCB na Matalinong Panonood Para sa Pamilya nina Juan at Juana Media Education Seminar.
Bukod kay Chairman Eugenio Villareal, kasama rin sa seminar ang ilang board members na sina Gladys Reyes, Jackie Aquino, at Mario Hernando.
PAK: Medyo asiwa si Matteo Guidicelli na sagutin ang napaka-personal na isyu tungkol sa relasyon nila ni Sarah Geronimo nang nakorner namin ito sa presscon ng pelikulang Moron 5.2 The Transformation na magsu-showing na sa November 5.
Isa sa isyung kailangan niyang sagutin ay hindi kasali ang sex sa relasyon nila ng Pop Princess.
Kilalang napaka-conservative ni Sarah at sobrang protektado ito ng magulang niya, kaya puwede lang ang sex pagkatapos ng kasal.
Sabi naman ni Matteo, hindi mahalaga ‘yan sa kanilang relasyon at kakayanin naman daw niya.
“Kakayanin naman po dahil I’m in the situation already and I love this person very much. I’ll do whatever it takes,” napapangiting pahayag ni Matteo.
BOOM: As of this writing, hindi pa rin sinasagot ni Dennis Padilla ang kumalat na isyung nasampal ito ni Marjorie Barretto sa burol ng ina ni Raymart Santiago na si Mrs. Cielito Legaspi-Santiago.
Nakumpirma namin mismo sa ilang nakasaksi na nagpang-abot pala roon sa burol sina Dennis at Marjorie Barretto kasama ang mga anak nila at nandun din si Gretchen Barretto.
Napikon daw kasi si Dennis nang hindi raw siya batiin ng mga anak niya. Nakita pa raw nito si Julia Barretto na umismid nang makita ang ama niya.
Pinatawag daw ni Dennis si Julia at nagkausap daw sila sa labas, galit daw si Dennis na pinagsabihan ang anak. Kaya iyak nang iyak daw si Julia na nagsumbong sa mommy niya.
Sa galit daw ni Marjorie, sinugod daw ang dating asawa at pinagsasampal daw.
May nakakita pa raw na binitbit daw si Dennis palabas ng mga guards ni Gretchen.