Mga taga-showbiz nakikihanap na rin sa pumatay sa nanay ni Cherry Pie

PIK: Pinasaya ni Dingdong Dantes ang lahat na mga kaibigang movie press sa ginawang send-off party o stag party na rin para sa GMA Primetime King.

Nagkaroon ng mga palaro na in-enjoy nang husto ng mga kaibigang reporter at nagpaunlak din ang aktor ng panayam.

Sabi nga niya: “Now is my last time to celebrate with you as a single man. The next time we celebrate, I will already have a wife. I will see you all at the wedding.”

Doon sa party na ginanap sa Cerchio kamakalawa ng gabi, natanong na rin kay Dingdong ang tungkol sa isyung pagtanggi ni Lovi Poe na gawin ang Metro Manila Film Festival o MMFF entry nila na Kubot: The Aswang Chronicles.

Safe ang mga sagot ng aktor tungkol sa intrigang iyun.

Aniya: “Marami na pong nasabi at naging produkto ng kaganapan na ‘yun, so ayoko na pong makisali pa dun.”

PAK: Ang daming taga-showbiz ang sumuporta sa benefit show na binuo para kay Tia Pusit.

Ilan sa mga dumating para mag-perform ay sina Aiza Seguerra at ang kasintahang si Liza Dino, sina Rocco Nacino at Lovi Poe, at marami pang nagbigay kasiyahan para makabuo ng isang masayang show para sa namayapang komedyante.

Dumating si Nova Villa para personal na magpasalamat sa lahat na nagbigay ng tulong.

Hindi pa namin nakuha kung magkano ang nalikom sa naturang show, pero may nabuo naman daw sila para ibigay sa pamilyang naiwan ni Tia Pusit.

May utang pa raw kasi sa hospital ng 1.5 million pesos kaya kahit papano ay may maibigay naman daw sila para makabawas sa balanse nila sa hospital.

BOOM: Suportado ng mga taga-showbiz ang panawagan ni Cherry Pie Picache na mahuli ang suspek sa pagpaslang sa kanyang inang si Mrs. Zenaida Sison.

Nag-post si Cherry Pie sa kanyang Instagram account ng litrato ng taong ito na pinangalanang si Michael Icoy Flores, 29 years old na taga-Camotes Island, Cebu City.

Sa Taguig daw ito naninirahan at pinaghahanap ito ng mga pulis.

Ang caption sa ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account; “Please share this among your network and help us find the criminals behind the violent crime against our mother. We will be grateful for any information that will lead us to justice. Thank you.”

Sa tulong ng social media, maaring matunton ang taong ito.

Show comments