Kaye Abad gusto ring sumikat tulad ni Jodi Sta. Maria

SEEN: Ang  pagkagulat ni Dingdong Dantes sa balita na dalawa ang wedding gown na gagamitin ni Marian Rivera sa church wedding nila sa December 30. Isa lang ang wedding gown ni Marian pero magpapalit ito ng damit sa wedding reception nila ni Dingdong sa isang huge venue na nasa northern part ng City of Manila na mabilis na mapupuntahan ng invited guests dahil national holiday ang December 30.

SCENE: Ang kanta ni Aiza Seguerra na Anong Nangyari sa Ating Dalawa ang official theme song ng Two Wives, ang primetime bida ng ABS-CBN na mapapanood simula sa October 13. Ipinakanta kay Morisette Amon ang theme song na nabigyan niya ng bago at madamdamin na emosyon.

SEEN: Ang Two Wives ang itinuturing ni Kaye Abad na pinakamalaking break niya sa telebisyon. Nangangarap si Kaye na masusundan nito ang yapak ni Jodi Sta. Maria na sumikat nang mabigyan ng mala­king break sa Be Careful with My Heart.

SCENE: Hindi binili ng publiko ang press release ni Piolo Pascual na makikipagrelasyon lamang ito kapag 18-years old na ang kanyang anak na si Iñigo dahil  subok na ng mga tao na hindi siya nauubusan ng mga dahilan kapag ang lovelife niya ang tinatanong ng press.

SCENE: Inilabas na ng Regal Entertainment Inc. ang teaser ng Shake, Rattle & Roll 15, ang official entry ng movie company sa 2014 Metro Manila Film Festival.

SCENE: Overwhelming ang suporta ng publiko kay Cherry Pie Picache. Ni-repost sa social media ng mga kapwa artista at ng ordinary citizens  ang panawagan niya sa mga makapagtuturo sa kinaroroonan ni Michael Flores na nagmula sa Camotes Island, Cebu City.

SEEN: Ang panawagan ng singer na si Bugoy Drilon na huwag tangkilikin ang AFA taxi mula sa Calamba City na may plate number TXM 710  at contact number na 0907-9577123 na sinubukan niya na sakyan kahapon habang bumubuhos ang malakas na ulan ngunit humihingi ng malaking bayad ang taxi driver, kahit nag-alok na siya ng mataas na taxi fare: “Wag kayong sasakay sa taxi ito bastos ang nasa loob nito. Bibigyan ko na ng malaki ayaw pa mas gusto nya ng malaki pa..” ang reklamo ni Bugoy.

 

Show comments