Aktres mas may trabaho kaya hindi maaamin ang relasyon sa aktor

Nakahanap ng solusyon ang mga magsyota na ayaw pabuko sa kanilang relasyon lalo na kung nagta-travel sila. Kahit magkasamang nagta-travel hindi sila nagpo-post ng pictures nila sa Instagram (IG) na magkasama sila.

Ginawa ito ng isang showbiz couple na ayaw pabuking sa kanilang relasyon, kaya patuloy na “we’re just friends” ang sagot ‘pag tinatanong. Nang magpunta sila sa Singapore, kamakailan, wala rin silang pictures na magkasama, pero nalaman ding magkasama sila dahil sa solo pictures na kanilang pinost.

Wala kaming masamang nakikita sakaling aminin ng showbiz couple ang kanilang relasyon dahil pareho silang “single”. Kaya lang mas may career ang aktres kaya siguro pinagbawalan silang aminin ang relasyon nila.

Show comments