Parang hindi naman totoo ang balitang lilipat sa GMA 7 si John Prats dahil siguradong hindi siya papayagan ng ABS-CBN. Nang tinanong namin ang in-charge sa contract signing ng talents sa GMA 7, wala siyang balita o baka ayaw lang sabihin sa amin.
Pati ang tsikang babalik sa GMA 7 si Isabel Oli, wala ring balita ang tinanong. Lumutang ang tsismis na ito after ng flash mob proposal ni John kay Isabel, pero iyon nga, walang konkretong basehan.
Nakikita raw sa GMA 7 sina John at Isabel. Pero baka naman dinadalaw lang si Camille Prats, ang kapatid ni John na taga-Kapuso. Magtatanong pa kami para malaman kung ano ang totoo sa isyung paglipat ng engaged couple na sina John at Isabel.
Cris takot agad ‘patayin’
Sabi ni Cris Villonco, matagal niyang hinintay na makasama sa isang TV series at ngayong natupad na sa Ang Lihim Ni Annasandra, pinaghuhusayan niya ang acting niya. Tiniyak nitong walang twang ang Tagalog lines niya at nagpapasalamat siya sa Aawitan Kita na malaki ang tulong sa kanya para maging fluent sa Tagalog.
Kuwento ni Ms. Redgie Magno, sa stage play na Mga Ama, Mga Anak at Ghost niya napanood si Cris at humanga siya sa husay nito. Agad niyang hinanap at kinausap ang manager ni Cris na si Girlie Rodis kung gusto ng aktres na masama sa cast ng Ang Lihim Ni Annasandra. Agad pumayag si Cris kahit kontrabida ang role niya.
Natawa kami sa sinabi ni Cris na ang greatest fear niya ay maagang patayin ang kanyang karakter sa serye. Nag-i-enjoy daw siyang i-portray ang role ni Lorraine Armada at sa working hours na inaabot ng madaling-araw ang taping, kaya wish nito, ‘wag agad patayin ang karakter niya.
Alden aminadong kontesero bago nagka-career
Mas lalong kaiinggitan si Alden Richards ng ilang Kapuso talents dahil mag-aabot ang airing ng Bet ng Bayan, kung saan, host siya Monday to Friday at Ilustrado na magsisimula ang airing sa October 20.
Hopefully, walang nang umakyat sa office ng GMA Network at GMA Artist Center para ireklamo si Alden dahil magagandang projects daw ang ibinibigay dito.
Kontesero si Alden (tawag sa mahilig sumali sa mga contest), kaya nakaka-relate sa nag-o-audition sa Bet ng Bayan lalo na ‘yung hindi nakakapasa. Nangyari ito sa kanya nang mag-audition sa StarStruck V, Top 60 lang siya, pero siya ang mas sumikat. Humbling experience raw ang hindi makapasa sa audition, pero masuwerte siya dahil nagkaroon pa rin ng career after ‘di mapili sa audition.
Anyway, magre-resume na rin si Alden ng shooting ng indie film na Cain at Abel at si Mark Herras na ang kasama niya after tanggihan ni Aljur Abrenica na gawin ang pelikula. Si Adolf Alix ang director ng movie.
Benjamin balik-Kapamilya
Ang Star Cinema movie na The Trial pala ang sinasabi ni Benjamin Alves na pelikulang kasama siya na hindi aakalain dahil GMA 7 talent siya. Nag-audition si Benjamin sa role niya, pero nagbirong napadaan lang siya na sinang-ayunan ni director Chito Roño.
Nagpasalamat si Benjamin to be given the opportunity to audition at makasama sina Richard Gomez, Gretchen Barretto, Jessy Mendiola, at John Lloyd Cruz. Thankful din siyang pinayagan ng GMA 7 na dumalo sa presscon at muling makaapak sa ABS-CBN, kung saan siya nagsimula.
Ipinaalala ni Enrico Santos na ang ABS-CBN ang naka-discover kay Benjamin nang sumali ito sa Close-Up to Fame. Hopefully, masundan pa ang paggawa ng movie ni Benjamin sa ABS-CBN.