^

PSN Showbiz

Kundi pa inayos ni Herbert: Tia Pusit nahirapang ihanap ng pagbuburulan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Inabot ng umaga ang taping ng birthday celebration ni Kuya Germs sa Walang Tulugan with the Master Showman kahapon, pero tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon hanggang Sunday All Stars.

Ang host ng Bet ng Bayan na si Regine Velasquez-Alcasid ang mangunguna sa production number na inihanda nila sa Master Showman kasama sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Jolina Magdangal, at Jaya.

PAK: Si Mayor Herbert Bautista pala ang sumagot ng burol ni Tia Pusit sa St. Peter Chapel.

Mailap pa rin sa media ang pamilya ng namayapang komedyante, at hindi sila nagpapa-interview dahil pagod na raw sila.

Matagal na tinutukan ng mga reporter ang mga anak ni Tia Pusit, pero tumatanggi sila dahil ang concern nila ay makakuha ng kuwartong pagburulan sa St. Peter Chapel.

Pero kahapon ay naayos na ang kuwartong pagburulan sa tulong ni Mayor Bistek pero umiiwas pa rin silang magsalita.

Ang concern daw nila ngayon ay ang balanse pa raw sa hospital dahil hindi pa raw nila nabayaran ng buo.

Tuloy pa rin naman ang benefit show para kay Tia Pusit sa Zirkoh mamayang gabi, at marami na raw ang nangako na darating at magbibigay ng tulong.

BOOM: Inamin ni Fabio Ide na naapektuhan ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Michelle Pamintuan dahil sa paglabas at pag-amin na siya ang ama ng anak ni Denisse Oca.

Nung huling nakausap ito ng Startalk, nabanggit niyang apat na araw na raw silang hindi nag-uusap ni Michelle pero hindi naman niya sinasabing break na sila.

Ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay ang kanyang baby girl kay Denisse na pinabinyagan nila kamakailan lang.

Pahayag pa ni Fabio: “I forgave Michelle already for what she said.

“Right now I don’t want to focus on that. I just want to focus on my kid, and make sure she will have the best.

“I’m just leaving the drama, the negativity, and just try to do the right thing.”

Dagdag pa niyang pahayag “This is not about Michelle. This is not about the fight that happened. It’s about Danielle and that’s I want to focus on, ‘yung baby ko mahal na mahal ko.”

AICELLE SANTOS

DENISSE OCA

FABIO IDE

JOLINA MAGDANGAL

JONALYN VIRAY

MASTER SHOWMAN

MICHELLE

ST. PETER CHAPEL

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with