Nabuking lang nang umamin na tomboyita ang anak: Nanay ng female singer nagpasasa sa mga branded na bag at sapatos na regalo ng fans
Nu’ng kaitaasan ng popularidad ng isang young female singer ay maraming producers ang aliw na aliw sa kanya. Natural, kakambal ng pagkaaliw ang pagreregalo, kaya palagi siyang tinatanong ng mga ito kung ano ang kanyang gusto.
Nahihiyang magsalita ang young female singer, kaya ang mommy niya na palaging nakabuntot sa kanya ang tinatanong ng mga humahanga sa kanyang anak, sinasabi naman ng kanyang ina kung anu-ano ang mga kagamitang gusto niya.
Heto na. Nagkaroon ng rebelasyon. Umamin ang young female singer tungkol sa kanyang tunay na seksuwalidad. Hindi lang ang mga tagahanga niya ang nagulantang sa kanyang pag-amin, nawindang din ang mga taong aliw na aliw sa kanya nu’n, ano ang nangyari?
Kuwento ng aming source, “Kasi nga, kaya naloka ang mga taong ‘yun, e, takang-taka sila kung bakit nu’ng tinatanong nila ang girl kung ano ang gusto niyang regalo, e, puro pambabae naman ang sinasabi ng mommy niya?
“Bag na pambabae, blouse, shoes na may heels, mga branded na kagamitan na hindi naman pala type ng female singer? Ang madalas lang niyang suot, e, maong pants, polo, tsaka jacket!
“E, kanino napupunta nu’n ang mga branded bags na sinasabi ng mommy niya? Kaya naman pala nu’n, e, palaging sosyal ang porma ng mommy niya!
“Hindi naman pala kung ano ang type ng anak niya ang sinasabi ng mommy na ito! Ang mga type pala niyang stuff ang ibino-voice over niyang type ng anak niya, pero siya ang gumagamit!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Oo nga naman. Maiimadyin mo bang ang young female singer ang may bitbit sa isang branded hand bag? Siguradong ayaw niya ‘yun pero siguradong ang mommy niya ang may type du’n sa pambabaeng kagamitan.
Nakakaloka! Ubos!
Nakisawsaw pa kasi sa kaso ni Vhong, Roxanne ipinahiya ang sarili
Ibinasura ng DOJ ang kasong rape na isinampa ni Roxanne Cabañero laban kay Vhong Navarro. Lumanding nga sa basurahan ang demanda ng babae dahil sa kawalan ng merito.
Kunsabagay ay hindi na kailangang maging abogado, piskal, huwes, at kung anu-ano pang posisyon ang isang karaniwang mamamayan para malamang walang saysay ang bintang ng babae laban sa actor-dancer-TV host.
Tulad ng nakasaad sa resolusyong ipinalabas ng DOJ, bakit ngayon lang nagdemanda si Cabañero, samantalang pinagsamantalahan na pala siya ni Vhong nu’ng taong 2010 pa?
Apat na taon muna siyang nanahimik bago sumigaw na hinalay siya ni Vhong? Ang isang babaeng ninakawan ng dignidad ay agad-agad na nagsusumbong sa mga otoridad, ipinaglalaban ang kasalahulaang naganap sa kanya, lalo na’t sapilitan ang pangyayari.
Sa unang paglalantad pa lang ni Cabañero ay pinagtaasan na ng kilay ng publiko ang kanyang reklamo. Napatunayan ng kampo ni Vhong na nu’ng mismong gabing pinagsamantalahan diumano siya ng aktor ay nasa Cavite ito para sa isang show.
Nasaksihan ng buong bayan ang isang footage nang magtagpo sila sa piskalya, sumama si Cabañero sa grupo ni Deniece Cornejo, pasakay na si Vhong nang batuhin niya ito ng kanyang shades. Sigaw nang sigaw ang babae, rapist daw si Vhong Navarro.
Anyare? Sino ngayon ang lumabas na kahiya-hiya? May naniwala ba sa kanyang mga sigaw?
Sayang na shades!
- Latest