Pinay chef ni Obama bidang-bida sa CNN

Paulit-ulit na ipinapalabas sa Leading Women ng CNN ang interview sa Filipino-American chef na si Cristeta Pasia-Comerford, ang executive chef ng White House.

Hindi nakakasawa na panoorin ang interview kay Cristeta dahil inspirasyon siya sa maraming Pilipino.

Si Isha Sesay ng CNN ang nag-interbyu kay Cristeta at kitang-kita sa kanyang mukha ang sobrang paghanga sa female executive chef sa White House ni President Barack Obama.

Ipinagluto pa ni Cristeta ng pizza si Isha na sarap na sarap sa ipinakain sa kanya ng Pinay chef.

Si President Obama ang pangatlo sa mga US president na pinaglingkuran at ipinagluto ni Cristeta dahil naglingkod din ito sa administrasyon nina ex-President Bill Clinton at former President George Bush.

Dapat ipagmalaki ng mga Pinoy si Cristeta dahil hindi nito nakakalimutan na sabihin na Pilipino siya at nagmula sa Pilipinas.

Twenty-three years old si Cristeta nang mag-migrate sa Amerika and the rest is history.

Marian kopyang-kopya ni Paolo

Gayang-gaya ni Paolo Ballesteros ang mannerism ni Marian Rivera.

Si Marian ang latest female star na ginaya ni Paolo ang itsura sa pamamagitan ng magic ng make up at nagtagumpay siya.

Nakatulong ang madalas na pagsasama ng dalawa sa Juan for All All for Juan segment ng Eat Bulaga dahil napag-aralan at nakopya ni Paolo ang mga kilos, pati ang pagngiti ni Marian.

Kita n’yo naman, judge kahapon si Paolo sa FHHM (For Healthy and Heavy Models only) ng Eat Bulaga bilang Marian Rivera at tuwang-tuwa sa kanya ang televiewers dahil gayang-gaya niya ang mga galaw ng future wife ni Dingdong Dantes.

Alden hindi na mukhang ngarag

Mga judge rin kahapon sa FHHM sina Regine Velasquez at Alden Richards, ang mga host ng Bet Ng Bayan, ang talent search program na mapapanood mamayang gabi.

Visible sa TV sina Regine at Alden dahil ipino-promote nila ang kanilang bagong show.

Well-rested ang hitsura kahapon ni Alden dahil hindi siya mukhang puyat o ngarag. Ilang linggo nang kulang sa pahinga si Alden dahil sa rami ng kanyang mga ginagawa.

Aktres hindi pa kayang marinig ang pangalan ng ex na nagmalupit

Sobrang kalupitan yata ang naranasan ng isang aktres sa kanyang ex-boyfriend kaya ayaw na ayaw niya na napag-uusapan ang dating karelasyon.

Pati ang name ng mhin, hate na hate ng aktres na marinig.

Nagbunga ang relasyon ng dalawa pero naghiwalay sila bago isinilang ng aktres ang bagets.

Carbon copy ng mhin ang kanyang anak na baka hindi na niya makilala nang personal.

Nagsalita nang tapos ang aktres na hinding-hindi nito ipapakilala ang anak sa biological father na naging pabaya at hindi nagbibigay ng sustento.

Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng sama ng loob ng aktres na maligaya na ngayon sa piling ng lalaki na pinakasalan siya at itinuring na sariling anak ang kanyang lovechild.

Papa Joey nagmistulang spokesperson ng mga kababayan nating nagdurusa sa traffic sa EDSA

Imbes na magalit o batikusin si Papa Joey de Leon, marami ang natuwa at nagbunyi sa pagtataray niya sa overacting na traffic situation na ilang araw nang nagpaparusa sa mga commuter at motorista.

Ikinatuwa ng lahat ang mga emote ni Papa Joey dahil ito ang naging instrumento para malaman ng mga nasa puwesto ang sentimyento ng mga kababayan natin na biktima ng tumitinding problema sa traffic.

Sila ang mga kababayan natin na nakatengga sa EDSA sa loob ng tatlo hanggang limang oras dahil sa mga baha na epekto ng sandali pero malakas na pagbuhos ng ulan.

Kabilang sa mga biktima ng traffic si Papa Joey na hindi nakapagpigil na magbitaw ng maaanghang na salita dahil sa dusa na inabot niya.

 

Show comments